By: Drake Cantillon
Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay at ipinatong ito sa aking dibdib. "Bunso, alam ko na natatakot ka pa pero hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nakikita ko iyang mapupungay mong mga mata." "A-anong ibig mong sabihin k-kuya?" Lumapit ako sa kanya at akmang hahalikan ko na siya ng biglang nag-ring ang phone q.
Natigilan kami pareho dahil dun. Agad ko namang sinagot ang tawag. "Drake pare san ka na ba? Nakalimutan mo bang Saturday ngayon?" sabi nang boses sa kabilang linya. "Ahm pasensya na tol." Iyon ang tanging naisagot ko. "Ano ka ba naman tol nakalimutan mo na agad kami dahil sa Jake na iyan?" "Hindi naman mga tol. O cge cge papunta na'ko jan. Hintayin niyo ako sa dating pwesto." At binaba ko na ang phone.
Agad naman akong humarap kay Jake. "Jake bunso may kailangan lang asikasuhin si kuya ha. Kita na lang ulit tayo sa school sa Monday." "Ganun ba kuya. O cge po ihatid na kita." Kampante kong hinawakan ang kanyang kamay at sabay naming tinahak ang pababa ng kanilang bahay. At nung nasa may labas na kami at papasakay na ako ng aking kotse, nagulat ako sa mga sinabi niya.
"Kuya, salamat ha. Pinasaya muq ngayong araw na'to. Ipinaramdam mo ulit sa akin na hindi na ako nag-iisa. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Kuya, 'wag ka nang mawawala ah?"
Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang saya dahil sa nararamdaman ni Jake para sa akin o dahil sa takot na mabunyag sa kanya ang aking lihim.
"B-bunso, salamat rin dahil nakilala kita. Wag kang mag-alala, hinding-hindi kita iiwan. Pangako iyan." Sabay ngiti ko sa kanya. Hindi ko nanaman maiwasang tumingin sa kanyang mga mata. Mababakas mo ngayon doon ang kasiyahan. Isang bagay na ako ang sa kanya'y naghahatid ngunit ang aking kasalanan rin ang maaaring pumatid.
Siya mismo ang nagbukas ng gate upang makaraan ang minamaneho kong kotse. Bago pa ako makalayo nang tuluyan ay nilingon ko pa siya sa bandang likuran habang kumakaway pa siya sa akin. Di ko mapigilang ngumiti dahil doon. "Ang bunso ko, mahala na mahal na ko niyan ramdam ko." Sabi ng isip ko.
Ngunit sa kabilang banda matapos ang ngiting iyon, heto ako't nababagabag muli sa nagawa ko.
Natatakot ako sa maaaring mangyari. Ayoko na siyang mawala pa sa akin. Dahil doon, napagpasyahan kong kausapin ang aking mga kabarkada tungkol dito. Gusto kong ipaalam sa kanila na seryoso na ako at nahulog na nang tuluyan kay Jake.
Napagpasyahan kong umuwi muna at magbihis dahil nga boys' night out nga namin tuwing Sabado ng gabi na humahantong sa kainan, lasingan at kung anu-ano pa. Pagkaligo at pagkabihis ay humarap ako sa salamin at kinausap ang sarili ko. "Determinado akong tapusin na talaga 'to. Para makapagsimula kami ng bunso nang wala na akong iniintindi pa." Dali-dali rin akong umalis at pinaharurot ang kotse ko. Hanggang sa kotse, kinakausap ko pa rin ang sarili ko.
"Puputulin ko na itong pustahan na ito upang wala nang hadlang sa nararamdamn ko. Maiintindihan naman nila ako dahil mga tunay ko silang mga kaibigan. Tsaka isang pustahn lang ba ang sisira sa aming matagal nang samahan? Malabo iyon." Sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko lubos akalain na ang tadhana'y hindi iyon pahihintulutang mangyari.
ITUTULOY. . .
Tuesday, February 21, 2012
Saturday, February 4, 2012
Libog... O, Buhay?
By: Kantutero
Hindi naman ito ang pinaka-una kong experience sa sex, subalit siguro ay isa ito sa mga hindi ko malilimutan. Minsan ay napanood ko sa Youtube yung scene sa Brokeback Mountain at hindi ko maiwasan ang mapangiti. Siguro ay hindi lang ako ang may ganitong experience, well, in sex, it takes two to tango, kaya malamang experience na rin ito nung ka sex ko di ba? I mean... I know, you know what I mean.... Ok, hindi ko na patatagalin pa.
Mga 12 taon na ang nakakaraan, Twenty-four pa lang ako noon. (Sabi ko nga, hindi naman ito ang first time ko). Araw noon ng Biernes, and as usual, araw iyon ng uwi ko sa Rizal. Nagtratrabaho kasi ako sa Cavite as an Engineer. May kinuha akong apartment sa Cavite dahil hassle kung mag-uuwian ako from Rizal to Cavite and vice-versa. Minsanan lang naman talaga ako kung umuwi sa Rizal, kasi may apartment din ako sa Pasig. Siguro ay dalawang beses o isa sa isang buwan kung umuwi ako at sa isang Biernes nga na ito ay naisipan kong umuwi.
As usual, mahaba na naman ang pila ng mga commuters sa Crossing. Madalas ay inaabot ako ng isa hanggang dalawang oras sa pagpila bago ako makasakay. Kaya mas madalas ay nanonood muna ako ng sine at nagpapalipas ng bulto ng mga tao na umuuwi. Hilig ko na ang manood ng sine. Ito ang bisyong hindi ko talaga maiwan-iwanan. Minsan, kahit na nga mga pelikulang pinaglumaan na ng panahon ay pinapanood ko pa rin. Nagpapalipas ako ng oras sa loob ng sinehan hanggang last full show, at pagkatapos ng palabas ay saka ako bumabalik sa pila. Madalas ay 11PM na kung matapos ang palabas kaya mas madalas din na bihira na rin ang mga pasahero umuuwi ng Rizal.
Medyo umaambon ng lumabas ako ng mall. Malayo-layo rin ang lalakarin ko papunta sa sakayan. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng biglang lumakas ang mga patak kaya binilisan ko na rin ang lakad na may halong pagtakbo. Nang makarating ako sa sakayan ay mayroon ng dyip na naghihintay ng mga pasahero pauwi. Yes! Ito ang mas gusto ko, walang ganong pasahero, walang pila. Sumakay na ako sa naghihintay na dyip. Mga tatlong katao na lang ang kulang at palarga na. Sampuan ang dyip. Hanggang sa isa na lang ang kulang at sa gawi namin ang bakante. Maya maya ay may sumakay na babae, naka uniform ng pang saleslady. Walang gustong umusod sa mga katabi ko kaya ako na lang ang nagbigay. Umusod ako paharap para maka-upo ng maayos ang babae. Sa aking pag-usod ay medyo napadikit ako sa lalaki na aking kaharap, naka-usod din kasi siya paharap. Tumingin ako sa kanya at humingi ng paumanhin. Ngumiti lang siya sa akin at tumango, tanda na ok lang. Hindi ko namalayan na napapa-idlip pala ako kaya paminsan-minsan ay nagugulat ako lalo na kung minsan na nag prepreno ang drayber. Hindi naman talaga ako puyat ng nakaraang mga araw dahil 8-4 lang naman ang oras ko sa trabaho. Pero talagang ina-antok ako ng mga oras na iyon. Minsan ng muling nag preno ang drayber ay napabitaw ako sa pagkakahawak sa bakal na hawakan ng dyip at muntik na akong mapa subsob sa lalaking aking kaharap. “Sorry.” Alam kong hindi ko naman siya tinamaan subalit humingi na rin ako ng paumanhin. Napuna ko na halos magpigil lang siya sa pagtawa. Out of hiya ay pinilit kong wag ng matulog. Maya maya ay isa-isa ng nagbababaan ang mga sakay kaya lumuwag na rin ang dyip. Minsang napatingin ako sa bandang entrada ay hindi sinasadyang napatingin ako sa lalaking nasa dulo ng dyip malapit sa pinto. Siya rin ang lalaking nasa harapan ko nung una. Nakatingin ito sa akin at nakangiti. “Lokong ito sa isip-isip ko, hindi yata’t hanggang sa oras na iyon ay pinagtatawanan pa rin ako sa muntik kong pagbagsak sa harapan niya.” Hindi ko na lang siya pinansin. Maya maya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya muli akong napatingin sa may pinto. Muli ay naka tingin na naman ito sa akin. Ako siguro ang tao na medyo makapal ang mukha o sabihin na nating over confident. Nakipag titigan ako sa kanya. At siya naman ang umiwas ng tingin. Pinagmasdan ko ang lalaki. Clean-cut. Black shirt na medyo hapit sa katawan nito. Muscled. Katawan na hindi naman pang laban sa mga body- building contest but the muscles are just right and proportioned. Mahilig siguro sa gym. Maong pants na halos hapit din sa mga hita nito. Sa taas kong 5’7”ay natitiyak kong mas matangkad ito kaysa sa akin, kahit pa ito naka-upo. Sa tantya ko ay mga 5’11” ito o six-footer. Muli itong tumingin sa akin at ng makita na patuloy akong nakatingin ay muling umiwas ng tingin. “Hah, chicken!”, sa isip-isip ko sabay ngisi. Medyo malapit na sa Binangonan at halos 5 na lang kaming pasahero. Nang bumaba ang pasaherong nasa entrada sa hanay ko ay umusod ako palapit sa pinto, katapat ng lalaki. Tumingin uli ito sa akin. Napagmasdan ko ng malapitan ang itsura nito. Hmmm, gwapo naman pala. Maputi. Artistahin. “Ma, bayad ho, Tayuman.”, sabi nito sabay abot ng bayad sa pasaherong nasa harapan nito. Nagbayad na rin ako. Calumpang naman. Kinalimutan ko muna siya at tumingin sa bintana sa gawi ko. Sinamyo ang lamig ng gabi dala ng ambon. Maya maya ay sumigaw ang drayber, Darangan!, huminto ito at nagsakay ng ilang pasahero. Bigla akong napalingon uli sa lalaki at buong pagtataka hindi dahil nakatingin din ito sa akin kung hindi kanina pa lagpas at malayo na ito sa Tayuman. Ngumiti itong muli sa akin. Hindi na ako nakapagpigil kung kaya lumipat ako ng upuan patabi sa kanya. Hindi nito inaalis ang tingin sa akin at maging ako sa kanya. “Magkakilala ba tayo?”, tanong ko sa kanya. Umiling ito. Tumango-tango naman ako. “Shit!”, sabi ko. Hindi ko kasi namalayan na lumagpas na rin pala ako sa dapat kong babaan. Hindi na bale at malapit lang naman ang bayan sa Calumpang, wala pa yata itong limang-daang metro kaya sa bayan na lang ako bababa. Nang huminto ang dyip at nagbabaan ang pasahero ay bumaba na rin ako. Nilapitan ako ng lalaki at inalok ako kung gusto kong maglugaw. Tutal ay malamig at talaga namang masarap ang mainit na lugaw. Nagpakilala ito sa akin, Eric. “Carlo.”, ang ganti ko. “Hindi ba dapat ay sa Tayuman ka bababa?”, ang natatawa kong loko sa kanya. Gumanti ito ng tawa. “Kanina pa kasi kita gustong tabihan, kaya lang parang galit ka kung tumingin.”, tugon niya sa akin. “Nung magkatapat pa lang tayo nung una, pinagmamasdan na kita, e.”, patuloy nito. Gusto nga raw niya akong gayahin at magkunwaring tulog at pagkatapos ay biglang dakmain ang harapan ko. Natawa ako. Takot lang daw niya at baka sapakin ko siya at hiya na rin. Natuwa nga raw ito ng ako na ang lumapit at tumabi sa kanya, dahil kung hindi raw ay baka kung bumaba ako sa Calumpang ay sundan niya ako hanggang bahay at magmukhang stalker. Natawa ako sa sinabi at napa-iling. Kung magyari iyon ay hindi naman talaga siya kung sakali ang unang gumawa noon. Hindi rin naman sa pagmamayabang ay may kagandahang lalaki rin naman akong taglay. Hindi ako maputi at hindi rin naman maitim. Hindi rin naman ako mababa sa taas na 5’7”. Sabihin din nating maayos din naman ang katawan ko dahil laman din ako ng gym sa Dasmarinas sa Cavite tatlong beses isang lingo. Balbon ng konti. May balbas at bigote na talagang pinakokortehan ko pa kapag nagpapagupit ako ng buhok. Chinito. At sabi nga ng iba ay ibang klase raw akong kung tumingin. Makalaglag panty sabi ng mga kaibigan ko. May dimples din ako sa magkabilang pisngi, which is probably one those great assets ko, dahil talaga namang ginagamit ko iyon kapag may type akong ligawan. May mga kaibigan din ako na ang sabi ay kamukha ko raw si Jolo Revilla. At hindi lang tatlo ang nagsabi na kamukha ko naman si Victor Neri. Lalong lalo na kapag naka semi-kalbo ako ng buhok. To cut this arising vanity, hindi naman ako pangit.
So, bumalik tayo kay Eric. Tinanong ko siya kung saan siya sa Tayuman umuuwi. Sinagot naman niya ako sa eksaktong lugar. Gumanti siya ng tanong at sinagot ko rin naman. Pagkatapos ay bumanggit na siya ng mga pangalan ng mga taga Calumpang, kaya napagtanto ko na kilala pala niya ang mga kapitbahay ko. Hindi ko na lang inamin na kapitbahay ko ang mga binabanggit niya at baka bigla na lang siyang dumalaw sa bahay at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa bahay. Pagkatapos ng ilang mga kuwento at palitan ng numero ay nagpasya na akong magpaalam sa kanya.
Makalipas ang isang linggo nang makatanggap ako ng tawag kay Eric. Kumustahan noong una, tanong kung naaalala ko pa ba siya. Sumagot naman ako ng oo. Nagyayaya siya kung gusto ko ba raw mag hiking. Tinanong ko siya kung saang bundok. Sinabi niya na sa may Tayuman lang. May bundok doon na hindi naman talaga kataasan at hindi naman talaga pang hiking. Sinabi ko sa kanya na kung puwede ay bukas na lang ng hapon, Sabado, dahil nasa opisina pa ako sa Cavite ng mga oras na iyon. Umayon naman siya at nagkasundo kami na kinabukasan ng alas tres ng hapon kami magkita. (Napa-uwi tuloy ako ng di-oras sa Binangonan, kahit na wala naman talaga akong balak umuwi, dahil kauuwi ko lang noong nakaraang linggo.) Subalit natapos ang Sabado at Linggo ay hindi naman siya tumawag. Kaya mas lalo lang akong naasar.
Makalipas uli ang isang linggo ay muli na naman siyang tumawag. Nagpaliwanag siya na may sinundo raw siyang kamag-anak sa airport galing ibang bansa. Umayon lang naman ako sa lahat ng mga sinasabi niya, ngunit sa totoo lang ay wala naman talaga akong pakialam. Muli niya akong niyaya, subalit ako naman ang tumanggi. Hindi dahil sa gusto kong gumanti, kung hindi wala talaga akong kabalak-balak na umuwing muli sa Binangonan. (Hindi, gusto ko lang talagang gumanti! Hehehe.) Siguro ay nahimigan niya ang panghihinawa ko kung kaya hindi na niya ako pinilit at hindi na siya tumawag pagkatapos.
Isang Sabado noon sa Binangonan ng biglang mag-ring ang telepono ko sa kwarto. Si Eric. “Aba, himala, nabuhay ang loko!”, sa isip isip ko. Tinanong ko siya kung paano niya nalaman ang number ko sa bahay, at ang number ko pa sa kuwarto mismo dahil wala naman akong maalala na ibinigay ko iyon sa kanya. Sinubukan na raw niyang tumawag dati. Inisa isa lang naman niya ang mga numero sa directory na may ganung apelyido na ang numero ay sa area ng Binangonan. Napatingin tuloy ako ng di sadya sa phone directory ko sa kuwarto habang nakikinig sa mga litanya niya. “Anak ng pating!”, hindi yata’t isa lang pala ang may ganung apelyido na taga Binangonan. “Bakit ba naibigay ko pa ang totoong apelyido ko!” Naitanong na rin niya ang numero ko sa kuwarto sa katulong namin ng minsan na tumawag siya kaya direkta na siyang dumayal. “Panibagong malas, bakit ba hindi ko na lang hinayaan na voice mail ang sumagot.” Tinanong niya ako kung gusto ko pa ring sumama sa kanya na mag hiking sa Tayuman. Umoo na rin ako para matapos na. Muli kaming nagkasundo na magkita sa lugar at oras na napagkasunduan. Sinabi ko rin sa kanya na kapag hindi siya dumating ay huwag na huwag na siyang tatawag sa akin sa cellphone man o sa bahay. Muli siyang nag-sorry at nangako.
Pagkatapos maligo ay napuna kong medyo mahaba na pala ang aking bigote at balbas. Wala na akong oras para magpa-korte sa bayan kaya ginamit ko na lang ang aking shaver. Dahil sa hindi naman talaga ako sanay na gamitin ang shaver sa pagkokorte ay napapangit ang hugis kaya dineretso ko na lang na ahitin lahat. Naks! Ibang iba talaga ang itsura ko kapag ahit lahat. Para akong bumabata at parang inosenteng inosente. Matapos makapagbihis ay dumiretso na ako sa napagusapang lugar. Nag miss call ako kay Eric at ilang minuto nga ay naroon na siya. Maaliwalas na maaliwalas ang mukha niya ng makita ako. Talagang halos lumapad ang mukha sa pagkakangiti. Naka-short lamang siya na six pocket at naka-sleeveless na maluwag. Naka-hiking sandals din siya. Tinanong niya ako ng kamusta na ginantihan ko naman. Tinanong ko siya kung nasaan yung mga gagamitin namin sa hiking dahil wala akong nakita na dala niya kahit ano. Inilabas niya ang dalawang pares ng binoculars sa magkabila niyang bulsa. “Shit”, sa isip isip ko. Akala ko pa naman ay sex ang kahahantungan ng napakahabang pasakalye na ito. “Nasaan ang tent? San kami mag se sex? Sayang lang pala ang dalawang condom na inilagay ko sa isa sa mga bulsa ng short ko.” Umayon na lang ako sa kanya at sumunod sa kanya sa paglalakad.
Itutuloy..

Subscribe to:
Posts (Atom)