By: Drake Cantillon
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na kaming dalawa lagi ang magkasama. Tuwing darating ang monthsary o anumang okasyon, pupunta kami sa paborito naming lugar, isang beach sa may Puerto Prinsesa.
Naaalala ko pa nung unang beses naming magpunta doon. November 17 yon, 1st monthsary namin. Sinorpresa ko siya sa isang dinner date sa tabi ng beach. Private naman kaya ayos lang sa kanya. Wala pa rin kaseng nakakaalam sa relasyon naming dalawa.
"Happy 1st monthsary bunso. I love you." Panimula ko. Malamig ang simoy ng hangin, madilim ang paligid. Noong panahong ding iyon, ninais kong ipagtapat sa kanya ang lahat. "Bunso, may gusto akong sabihin sa'yo."
Yumakap siya sa akin ng mahigpit, sabay sabing "Kuya, alam ko na iyan." "Huh? P-pero panu mu naman nalaman?" gulat kong sabi. "Eh matagal ko nang nararamdaman eh. Kuya, kahit 'di ka pa magsalita kitang-kita na sa mga mata mo."
Napayuko naman ako sa kanyang tinuran. Ni hindi ko matitigan ang kanyang mata. "So, what do you want to do now? How do you feel about it? Galit ka ba?" nauutal-utal kong tanong sa kanya.
"Galit? Bakit naman ako magagalit?" sabi niya. Sabi ko, "Dahil sa sasabihin ko pa lang sana sa'yo ngayon."
"Bakit ano ba sasabihin mo kuya? Di ba sasabihin mu nanaman ng pang isang milyong beses na mahal na mahal mo ako? Na hindi mo ako kayang saktan at lokohin? Na hindi mo ako iiwan? Di ba yun naman yung sasabihin mo kanina? May iba pa ba kuya?"
Agad akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag dahil magkaiba pala kami ng iniisip o kung manghihinayang ba ako at akala ko'y alam na niya at okay lang sa kanya iyon. Na-blangko ang aking mukha. Naguluhan ang aking pag-iisip.
"K-kuya? Ayos ka lang ba? May nasabi ba ako?"
"Ahm wala naman bunso. Pasensya ka na at medyo magulo utak ng kuya mo ngayon. Aning-aning. Hehe."
Gumuhit naman ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Napagaan noon ang aking pakiramdam. Muli, nagdalawang isip ako sa aking gagawin at hindi ko nagawang ipagtapat sa kanya ang lahat, ang tungkol sa pustahan, at ngayon, pati ang tungkol kay Mae.
Matapos ang dinner, dumeretso kami sa aming cottage room at naupo sa may kama. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata tanda ng paghingi ko ng pahintulot para sa gabing iyon. Hindi ko naman siya minamadali ngunit dahil monthsary namin iyon, at talaga namang ako'y isang malibog na tao, nagbakasakali akong may mangyayari.
Nagdikit ang aming mga labi. Mainit. Masarap. Mapusok. Ngunit sadyang hindi pa handa ang aking bunso para sa akin noong gabing iyon. At dahil mahal ko siya, handa akong maghintay kung kailan man niya ibibigay ng kusa ang lahat-lahat sa akin.
"I love you, kuya."
"I love you, too bunso."
At magkayakap naming pinalipas ang gabi.
ITUTULOY…
Sunday, June 24, 2012
Wednesday, June 13, 2012
Fallen (part 7)
By: Drake Cantillon
"Hindi kuya. Hindi mo kailangang manligaw dahil…" mahabang katahimikan ang bumalot sa aming kusina. Nakatitig ako sa kanya, naghihintay ng susunod niyang sasabihin. "Alam na kaya niya ang tungkol sa pustahan? Pero paano?" iyan ang pumasok sa aking isipan. Naramdaman ko na lang na unti-unting nababasa ng luha ang aking mga mata. Nasa ganoon akong ayos ng bigla ulit siyang magsalita. "…dahil mahal na mahal na kita kuya. Oo na agad ang sagot ko kuya. I want to be with you, forever if you may. I LOVE YOU KUYA DRAKE."
At bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Yumakap rin ako sa kanya ng sobrang higpit. Nang maramdaman niyang umiiyak ako, pilit siyang kumakalas sa pagkakayakap marahil nais niyang alamin kung bakit ako naiyak. Ngunit lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya dahil ayaw na ayaw kong may nakakakita sa akin ng ganito. Ayokong may makakita sa akin habang umiiyak, ayokong sabihin nilang mahina ako. Pero wala akong nagawa. Natalo ng lakas ni Jake ang lakas ko noong pagkakataong iyon. "Kuya? B-bakit ka umiiyak? Kuya naman eh. May nasabi ba ako? Sorry…"
"Bunso, pasensiya ka na at nakikita mo akong nagkakaganito ha. I don't want you to see me like this. Masayang-masaya lang talaga ako dahil sa mga sinabi mo. At huwag kang mag-sorry sa'kin. Pinasaya mo talaga ako ng sobra bunso ko. I LOVE YOU, TOO."
Muli kaming nagyakap. Yakap na para bang ayaw na naming bitiwan ang isa't-isa. Ilang minuto rin ang lumipas at siya ang pumutol sa mahabang oras ng katahimikan na bumalot sa amin. "Ibig sabihin pala nito kuya, akin ka na." bulong niya sa akin. "Mahal na mahal kita kuya. And I also want to be yours."
"I am yours and definitely, you are mine, only mine." At nagtama ang aming mga mata. Puno kami pareho ng saya. Naglapat ang aming mga labi, mainit, masuyo, puno ng pagmamahal. "You really are a great kisser, kuya. Hehe." "I know. And from now on, my lips belong to you. Not only my lips, but everything, all of me. Including this." Sabay kadyot ko ng aking bukol sa kanyang likuran.
"Bastos mu talaga kuya! Hmp!" sabi niya sabay tayo niya palayo sa akin. "Hahaha. Ang cute talaga ng bunso ko pag naiinis. Hahahaha." "Alam mo namang hindi pa ako ready para jan eh." anas niya. "I know, I know bunso. Ibig ko lang sabihin, iyo ako ng buong-buo. All of me. I've totally FALLEN for you. Ano ba kaseng meron ka at mahal na mahal kita?" Sabay yakap ko ulit sa kanya.
"Syempre ako na ata ang pinaka-cute na taong pde mong mahalin. Kaya ingatan mo ako kuya. Mahihirapan ka pag nawala ako sa'yo. Hehehe."
Sapul na sapul ako sa mga sinabi niyang iyon. Kung sa kanya ay nagbibiro lang siya, sa akin, I took that seriously. Bigla akong kinabahan. Alam kong nabakas niya iyon sa aking mukha. "Kuya? May problema ba? Nagbibiro lang ako.." Sabay hawak niya sa aking magkabilang pisngi. Ihinilig niya papunta sa kanyang mukha ang mukha ko. "Kuya?" muli niyang sambit.
"Ayokong mawala ka sa'kin bunso. Natatakot ako." sabay yakap ko sa kanya. Muling nagsalita ang isip ko, "Aaminin ko na ba ngayon mismo sa kanya? Paano kung hindi siya maniwala?" Nahihirapan na talaga ako ngunit napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang una kong plano. Ang kausapin ang aking mga kabarkada upang matapos na ang anumang kawalanghiyaang aming sinimulan. "Ayokong masaktan si Jake." Iyon ang tumatak sa aking isipan.
"Hindi naman ako mawawala sa'yo eh. Anu ka ba kuya? Ngayon pa bang ikaw na ang BF ko?"
"Talaga? Sinasagot mu na agad ako? Tayo na?"
"Opo kuya. I'm officially yours. You're all mine. Right?"
"Yes bunso ko. I'm so happy right now! Yes! Yes!" sabay buhat ko sa kanya at takbo papuntang garden. "Mahal ko siya, mahal niya rin ako! Ano? Angal pa kayo?!" sigaw ko habang siya naman ay tawa ng tawa sa akin. "Hahahaha"
Noon ding umagang iyon, nakalimutan ko ang lahat ng aking problema. DAHIL NANAMAN SA KANYA.
Jake Cute Love Drake Pogi
October 17, 2010

Saturday, June 2, 2012
Fallen (part 6)
By: Drake Cantillon
Umuwi ako noong gabing iyon na magulo ang utak. Pumasok sa aking kwarto, tinanggal ang lahat ng aking damit at pumunta sa banyo upang maligo. Habang nakatapat sa shower ay nakatitig ako sa aking sarili sa malaking salamin sa banyo. Tama si Mae, wala akong pinagbago maliban sa mas matipuno kong katawan. Ako pa rin ito sa panlabas, ngunit hindi na katulad ng dati, ang masiyahing ako, ang masunuring ako, ang magalang na ako, ang seryosong ako. Lahat ng magagandang katangian kong iyon ay kinuha sa akin ng babaeng iyon.
Matapos kong maligo ay napagpasyahan kong tawagan si Jake. Si Jake na alam kong makakaintindi sa akin. Ngunit paano niya ako matutulungan kung pati siya ay damay sa problema kong ito? "Haay!" iyan ang tanging lumabas sa bibig ko matapos ibato ang phone sa kama.
Hindi ko tuloy nagawang masabi sa mga kaibigan ko ang nais kong sabihin sa kanila noong gabing iyon. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagpaapekto ako sa presensya ni Mae doon sa bar. "Eh ano kung malaman ni Mae na lalaki rin ang mahal ko? Eh ano kung malaman niyang bisexual ako?" sabi ng isip ko. Ngunit sa kabilang dako, "Gago ka ba? Kapag nalaman ni Mae iyon, at kapag nalaman ng lahat ang tungkol doon, sa'yo nila ibabaling ang lahat ng sisi kung bakit kayo nagkahiwalay. Mabubura lahat ng kasalanan ni Mae sa'yo gayong siya naman talaga ang nang-iwan. Magiging masamang tao ka sa mata ng iba."
"Eh ano kung magmukha kang masama sa harap ng iba? Di ba naging masama ka naman na these past 2 years? You've always been the 'bad boy' the 'heart-breaker' the 'rebel'. So what kung madagdagan na naman ang mga titulong ibinibigay nila sa'yo? Alang-alang naman sa taong mahal mo ngayon."
"Yun na nga eh, andami-dami nang bansag sa'yo tapos dadagdagan mo pa. At kung nagkataon mang malaman ng lahat ang tungkol sa pagiging bi mo, hindi lang simpleng bansag ang makukuha mo. Ikaw ang magiging patunay na ang 'chickboy' ay hindi nga lang pang 'chicks' kundi literal ding pang 'boy'. Tiyak ikasisira mo iyan. Mag-isip-isip ka muna."
At sa ganitong sagutan sa aking isipan, ako'y nakatulog at nang ako ay magising, agad akong pumunta sa kusina. Laking gulat ko nang Makita ko siya doon, si Jake.
"Good morning Kuya Drake! Surprise!" "B-bunso? Teka bakit ka nandito at ano ba iyang suot mo?" sabi ko. "Ahm gusto kitang sorpresahin kuya eh. Tsaka naka-apron ako kuya with my pajamas." "Alam ko iyon, nakikita ko, I mean bakit ka pa nakapajama?"
"Haha, na-late kase ako ng gising eh. Kea nagmadali ako papunta dito. Di pa nga ako nakakapag toothbrush eh. Hehe." Sabay kamot niya sa kanyang ulo. Natuwa naman ako sa ginawa niyang iyon. With that simple gesture of coming over to my house and preparing breakfast for me, he made me feel loved. He made me feel happy and complete. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap.
"It really is a great morning for me, bunso. Pakiramdam ko asawa na kita, hehehe." Sabi ko habang yakap siya. "Kuya naman, asawa ka jan! Bitiw ka na nga at baka masunog ang niluluto ko!"
Binitawan ko naman siya kaagad. Pinanood ko lang siya habang nagluluto siya. Ansarap niyang panoorin. Pansamantala kong nalimutan ang problemang aking dinadala. Dahil nanaman sa kanya. Pakiramdam ko siya na talaga ang para sa akin. Mahal ko na talaga siya. Mahal na mahal.
Nang makaluto siya, sabay kaming naupo sa lamesa. Nakaharap ako sa kanya habang ipinaglalagay niya ako ng kanyang niluto sa aking pinggan. "Teka nga bunso, ako ang kuya kaya ako dapat ang gumagawa niyan." "Hindi kuya, surprise ko nga sa'yo to eh! Wag ka nga." Inis niyang sabi.
"Hahaha!" natawa na lang ako sa sinabi niyang iyon. Habang kumakain naman kami ay di ko maiwasang hindi siya titigan lalo na ang kanyang mga mata. Those parts of his face really amuse me. Naaakit ako. Sa bawat titig ko sa kanyang mga mata ay nakikita ko rin na nasisiyahan siya. Hindi siya marunong magtago ng nararamdaman niya. Alam kong kinikilig siya sa ginagawa ko.
Nang matapos kaming kumain, ako ang unang nagsalita. "Bunso, thank you very much. This is the happiest breakfast of my life."sabay abot ko sa kanyang kamay. "B-bakit naman kuya? Eh puro fried food nga lang naihain ko sa'yo eh." "Kahit ano pang pagkain iyan Jake, basta ikaw ang kasama ko, I'm the happiest one to eat."
"Haha si Kuya Drake patawa. Wala naman akong cheese na niluto ah. Bakit ang keso mo? Hahaha." "Ah ganon ah? Hmmm…" sabay halik sa kanya. This time it was a torrid one. I want to surprise him with that special kiss pero ako ang nasurprise. Nanlaban siya. "Hmm…" iyan ang tanging maririnig mo mula sa kanya.
Pareho kaming humihingal matapos maghiwalay ng aming mga labi.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa habang nakatitig sa bawat isa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong mga sandaling iyon. Dati-rati, kapag nakikipaghalikan ako ng ganoon ay nauuwi lagi sa kama. I do it for fun. For sex. I would fuck to feel loved. This time I never felt that. I don't want sex. I want him. I love him. This time love comes first and sex could come later.
"Bunso, matagal ko nang nararamdaman ito para sa'yo. At alam kong alam mo iyan. I like you so much that I love you. I want you so much that I need you. Ngayon ko lang gagawin ito sa isang kagaya mo. Jake, bunso, pwede ba kitang ligawan?"
Alam kong namumula ako ng mga oras na iyon. That's me, whenever I feel worried, I turn red. And yes, I am worried about the reply he would make. And after a short moment of silence, nagsalita na siya.
"Hindi kuya…"

Subscribe to:
Posts (Atom)