Binalewala ko na lang ang mga titig ni Michael. Inisip ko na lang na baka lasing lang. Nakakramdam narin ako ng pagkahilo nang tumunog ang phone ko. Nag text si Gino, “Friend, sorry di na ata kami makakapunta, si Elton kasi gustong magpasama kasi may imemeet syang nakilala nya sa facebook, delikado na, pero iakw safe ka namn jan di ba? Ingat ah. See you sa school sa Monday”. Matapos kong basahin ang text message, biglang may bumusina sa labas. May bumaba sa kotse, si Adrian pala, at may naaninag akong katabi nya sa may front seat, sa isip ko bka friend nya lang na tga soccer team. “Dereck, pakibukas naman yung gate”, tawag ni Adrian kay Dereck. “Sure pare, No problemo!”, sagot ni Dereck na halatang medyo lasing na. Nakapasok na yung sasakyan sa may garahian, unang bumamaba si Adrian, sumunod nman yung nsa front seat. Sa gulat ko, babae pala. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nalungkot ako na naiinis na para bang nag-seselos, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, di ko alam ang gagawin. “Sino ang babaeng yan? Ano na ang gagawin ko?”, tanong ko sa sarili ko. Bago pa man makalapit sina Adrian at yung babae ay dali-dali na akong umalis, hindi na ako nagpaalam, wala na akong paki-alam kung anong isipin nila. Mas gusto ko pang umalis kesa na mas masaktan kung mananatili pa ako roon. Nakalabas na ako sa subdivision, hingal ako sa pagtakbo. Kung umaga iyon cguro pagkakamalan akong baliw o di kayay magnanakaw na gustong makapuslit. Umupo na lang muna ako sa waiting shed at nag muni-muni. Ilan pang minuto nang medyo humupa na ang aking nararamdaman, medyo nawala na ang aking kalasingan nang may umupo sa aking bandang kanan at hinawakan ako sa balikat, para akong robot na nkapagsabi ng, “Adrian?”. Umaasa akong si Adrian nga yun, agad akong lumingon pero sa laking gulat ko si Michael. “Bakit sya andito? May nag-utos ba sa kanya?”, tanong ko sa sarili ko. “Michael, bat ka andito? Sinong nagpapunta sa iyo dito?”, agad kong tanong sa kanya. “Puro ka na lang Adrian, Carlo!”, pasigaw nyang sabi sa akin. “Anong problema nitong taong to?”, pagtataka kong tanong sa aking sarili. “Puro ka na lang Adrian, paano ako?”, patuloy nyang paglalahad. “Anong nangyayari sayo Michael? Tama na nga Lasing ka na!”, bulyaw ko sa kanya. “Carlo, gusto kita, di mo ba pansin? Siguro nga hindi mo pansin kasi busy ka kay Adrian, si Adrian na lagi mong pinagmamasdan. Tinitignan mo sya na habang ako ay pinagmamasadan ka”, sabi nya sa akin na para bang maiiyak na. “Michael ano ka ba, lasing ka lang”, tugon ko sa kanya. Sa gulat ko ay nakalapat na ang kanyang mga labi sa akin. Crush ko rin si Michael pero mas si Adrian, kahit sino cguro ay magakka crush kay Michael, kahit yung mga kabarkada ko eh nababaliw kay Michael. Kahit na ganoon, naitulak ko sya dahil sa gulat. “Ano ba! Manhid ka ba? Di mo ba nakita na may Girlfriend na si Adrian? Di ba yun ang dahilan kya kumaripas ka ng takbo?”, sumbat ni Michael sa akin. Lalong tumatak sa isipan ko ang mga katagang ‘may girlfriend na si Adrian’ natahimik ako at gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Isang mahigpit na yakap ang ginawa ni Michael. “Carlo, bigyan mo ako ng pagkakataon na iparamdam at ipakita sayo na mahal kita!”, sabi ni Michael habang cinocomfort ako. Nanatili akong tahimik, nag-iisp ako pero walang pumapasok sa utak ko, basta ang alam ko nasasaktan ako. Biglang hinawakan ni Michael ang magkabilang pisngi ko at hianrap sa mukha nya, “Carlo tignan mo ang mga labi ko, ‘I love you’, mga katagang gusto ko sanang marinig kay Adrian. At hinalikan nya ako pagaktapos nyang sabihin ang mga katagang yun. Siguro ay dahila na rin sa nka inom kami ay wala kaming paki-alam kahit na sa gilid pa kami ng kalsada naghalikan, gumanti rin ako sa halik nya, di ko maipaliwanag pero masaya ako kasi kahit papano may nagmamahal sa akin. Naisip ko na siguro si Michael talaga ang para sa akin. Tumagal rin ang aming halikan ng ilang minuto. Nararamdaman kong nag-iinit narin sya, pero ibglang nag ring ang fone nya, rinig ko ang boses na galing sa phone nya, si Adrian. “Asan ka na Michael? Nasundan mo na ba si Carlo?”, rinig ko sa phone ni Michael. Bago pa man ako makarinig ng ilan pang mga salita eh nag excuse na si Michael. “Bakit tumawag si Adrian kay Michael at tinatanong pa na if nakita na ba nya ako?”, tanong ko sa aking sarili na medyo naguguluhan. Ang naisip ko na lng na, siyempre sinong hindi magtataka na umalis akong bigla ng walang paalam.
To be continued…