Thursday, May 26, 2011

Ang Lumang Short At T-Shirt part 1

Ako si Kaloy. Graduating na ako sa college noon ng biglang nagbago ang takbo ng aking buhay. Medyo kilala ako sa aming school dahil sa pagsalisali ko sa mga ibat-ibang activities katulad ng glee club at drama club. Lalo pang lumantad ang kasikatan ko dahil sa aking angking talento sa pagkanta.

Marami akong mga kaibigan, ma-lalake man o babae; palaging may gimik, palaging naiimbitahan sa mga party dahil alam nila na magaling akong kumanta.

Kumakanta din ako sa mga kasalan, kung minsan tatlong kasalan sa isang araw ng sabado kaya may almusal na ako, may pananghalian na at may hapunan pa at ang pinaka-importante sa lahat - binabayaran pa ako.

Hindi alam ng inay ko na isa akong academic scholar dahil nilihim ko ito sa kanya. Sinubukan ko lang naman na mag-apply noong 1st year pa lang at ng pumasa, ginaya ko ang akda ng inay ko at hayon, inenjoy ko ang full scholarship, mula 1st year hanggang sa natapos ko ang kursong Business Management sa isang tanyag na paaralan sa aming bayan.

Naging maayos naman ang takbo ng buhay ko kahit may mga aberya minsan, pero talagang ganyan ang buhay, hindi lahat ng pagkakataon ay puro na lang kasayahan ang nararanasan natin.

Hiwalay ang aking mga magulang, matagal na. Wala pa akong malay noon ng nagpasiya silang tahakin ang magkaibang landas. May ibang pamilya na ang aking ama at ang aking ina naman ay may kinakasamang iba. Hindi sila pareho kasado.

Mahirap man sa simula intindihin ang mga kaganapan ay pilit kong tinanggap ito. Siguro nga, ganito lang talaga, may hiwalayan magaganap kapag hindi na nagmamahalan ang bawat isa. Hindi ko rin alam kung bakit sadyang mapanukso ang tadhana.

Sa bahay ni Sir Ryan...

Sa pagpapatuloy ng aking pagsasalaysay, biglang nagbago ang takbo ng aking buhay ng makilala ko si Gil. Nasa 3rd year college si Gil samantalang ako ay itinakda ng magtapos sa taong iyon. Si Gil ay kapatid ng musical instructor namin sa Glee Club na si Sir Ryan.

Nagbuo ng isang singing group si Sir Ryan at napili ako bilang isa sa mga soloista. Walo lang kami at piano lamang ang ginagamit. Magaling magturo si Sir Ryan at dahil dito ay lalo pang nahasa ang aking boses sa pagkanta.

Madalas sa music room ng school namin ang rehearsals at minsan pag hindi pwede dito, doon kami sa bahay ni Sir Ryan. At dito nagtagpo ang landas namin ni Gil.

Minsan, habang may isang oras na kaming nag-eensayo ay biglang dumating si Gil sa bahay ni Sir Ryan. Pinakilala siya sa aming lahat. Ah, diyan lang pala ang bahay nila sa kabila at narinig nya kaming kumakanta kaya naisipan nyang magmasid.

Tuloy ang pagtuturo sa amin ni Sir Ryan at minsan-minsan parang nararamdaman ko na may nakatitig sa akin. Sa paglingon ko kung saan nakaupo si Gil, nakita ko na nginitian nya ako. Ngumiti naman ako at balik sa pagkanta.

Ganun madalas ang mga eksena sa tuwing doon kami sa bahay ni Sir Ryan mag-eensayo at laging nandoon si Gil upang manood.

Lalong napadalas ang pag-eensayo namin kina Sir Ryan dahil papalapit na ang pinaka-unang konsyerto na gaganapin sa school gym. At isang biyernes ng gabi, inabot kami hanggang alas-diyes dahil kailangan naming tapusin ang unang bahagi ng konsiyerto na may labing-limang kanta at apat doon ay meron akong mahaba-habang solo parts. Pagod kaming lahat ng matapos ito at unti-unti na kaming nagpapaalam para umuwi. Medyo ako ang nahuli dahil tinulungan ko pa si Sir Ryan iligpit ang mga piyesa ng mga kanta at pagligpit din ng mga kalat na naiwan.

"Tutulungan na kita Kaloy" pag-aalok ni Gil

"Ha? ah okay lang Gil at sandali lang naman ito, nakakahiya eh kalat namin ito."

"Alam ko pagod na kayo ni Kuya Ryan kaya hayaan mo na akong tulungan kayo."

"O paano Gil, Kaloy kayo na bahala dyan ha at pahinga na muna ako sandali." sinabi ni Sir Ryan sa aming dalawa ni Gil.

"Sige kuya, kami na ang bahala dito ni Kaloy, pahinga ka na."

Pumasok na sa kanilang kwarto si Sir Ryan at kami naman ni Kaloy ay ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga kalat sa loob ng sala.

"Di ba wala kayong pasok pag sabado Kaloy?"

"Oo wala kaming pasok pag sabado, bakit Gil?"

"Wala naman, nagtatanong lang. Mabuti naman at makakapagpahinga naman kayong lahat. Grabe na yata itong pag-papraktis nyo ngayon no?"

"Oo nga eh, malapit na kasi ang concert namin kaya kailangan na talagang mag-praktis ng todo. Kailangan pa kasi naming mag-rehearse din with choreography eh kaya dapat kabisado na namin ang lahat ng mga kanta."

"Alam mo Kaloy ang ganda ng boses mo, malamig at parang wala kang ka-effort effort kumanta, parang very natural lang ang dating."

"Naku, mas magaling si Benjie no at napakataas pa ng boses."

"Oo nga, maganda nga boses ni Benjie pero minsan hindi ko rin gusto dahil pag hindi nya na abot ang nota eh nag-ne-nasal siya, hindi tulad mo na kahit mataas na eh abot mo parin at buong-buo parin ang boses mo."

"Salamat sa papuri Gil."

"Siyanga pala, gusto mo sa bahay na lang namin matulog ngayon? Wala kasi si kuya Dan at umuwi sa probinsya kaya mag-isa lang ako sa kwarto namin. Di kasi ako sanay na walang kasama eh." Paanyaya ni Gil sa akin.

"Oo nga Kaloy, samahan mo yang si Gil matulog at takot yan sa multo, hahahaha!" Biglang nagsalita si Sir Ryan na lumabas pala ng kwarto at papunta sa kusina.

"Hahaha, takot ka sa multo Gil? Ang laki mong tao?"

"Ang kuya talaga, bukuhin ba naman akong takot sa multo, kainis."

"Eh ikaw naman kasi kung kelan ka na lumaki saka ka pa naging matakutin." Pasigaw na sinabi ni Sir Ryan na nasa kusina parin.

"Gil, may kakantahan pa kasi akong kasal bukas ng 7:30 eh, kaya kailangan kong umuwi, next time na lang ha?"

"Talaga? may kakantahan kang kasal bukas? Hey, pwede ba akong manood?"

"Ha eh, okay lang naman pero ang tanong, makakagising ka ba ng maaga? 7:30 eksakto ang kasal eh."

"Pwede naman akong ma-late dahil hindi naman ako ang ikakasal no, manood lang ako at pakikinggan lang kita."

"Pustahan tayo Kaloy, hindi magigising yan ng ganung oras, kailangan pang buhusan ng tubig yan bago tumayo sa kama, parang langis pag natulog yan eh." Pabirong sinabi ni Sir Ryan.

"Ang kuya talaga lagi na lang akong binibiro."

"O paano Gil, uwi na ako at maaga pa ako bukas gigising at kung magising ka man, hehehe, kita na lang tayo sa simbahan."

Ang Pagkanta sa Kasal...

Kinabukasan, maaga akong gumising para makapag-vocalize dahil mahirap kumanta lalo na pag umaga ang kantahan. Eksaktong alas sais-y-medya andoon na ako sa simbahan upang makakapag praktis ng konti sa sound system. Nang maayos na at handa na lahat pati ang mga minus-one na gagamitin ko, lumabas muna ako sa simbahan para magyosi. Ewan ko ba at di ko talaga maiwasan manigarilyo.

Makalipas ang ilang sandali, tinawag ako ng sakristan at sinabing dumating na ang bride at kailangan ko ng pumwesto para simulan na ang pagkanta sa processional.

Umabot din ng halos isat-kalahating oras ang kasal. Lagi naman kasing sa pagkuha ng mga larawan ang pinakamatagal at dito rin maraming kinakanta ng mapansin ko na nakaupo pala si Gil sa may gilid at nakamasid sa akin at sumenyas ng OK sign. Ngumiti lang ako sa kanya habang pinagpatuloy ko ang pagkanta.

Sa wakas natapos din ang kasalan at nililigpit ko na ang mga gamit ko ng biglang may kamay na pumatong sa balikat ko.

"Ang galing mo talagang kumanta Kaloy, pinahanga mo ako.!"

"Hey salamat Gil ha, hehehe mabuti naman at nakarating ka. Eh di talo ang kuya mo sa pustahan nyo."

"Yon pa kuripot kaya yon."

"Hehehe, o paano, sasama ka sa reception Gil? Tara para may kasabay naman ako."

"Ha? okay lang ba yon Kaloy? Di ba dyahe at di naman ako imbitado?"

"Ako bahala, kilala naman nila ako eh, tara na!"

"Dala ko ang kotse ni kuya, sa akin ka na sumabay Kaloy."

Habang nasa kotse kami, binanggit na naman ni Gil ang galing ko sa pagkanta lalo na raw ng kinanta ko ang The Lord's Prayer na walang anumang tugtog kundi boses ko lang.

"Alam mo Gil, na sa tuwing kinakanta ko yan ay kinikilabutan ako at drained-out lahat ng energy ko pagkatapos."

"Yong nga naramdaman ko kanina Kaloy eh, kinikilabutan ako habang kinanta mo yon. Iba ang pakiramdam pala pag nasa loob ka ng simbahan at tahimik lahat ng tao."

Sa Wedding Reception...

Sa wedding reception, maraming lumalapit sa akin at kinakamayan at laging sinasabi na maganda daw ang boses ko at 'thank you' naman ang tangi kong masabi. Si Gil naman ay nagmamasid lang at natutuwa sa kanyang mga nakikita.

"Ang sikat mo pala Kaloy at ang daming bumilib sa pagkanta mo, at huy salamat at nalibre ako ng breakfast ha!"

"Okay lang yon, mabuti nga andito ka at sinamahan ako ng hindi naman ako nag-iisa."

Lumapit sa akin yong nanay ng bride at inabot yong sobre na nilalaman ang bayad sa pagkanta ko at sinabing maganda ang mga kantang hinanda ko sa kasal ng kanyang anak.

"Huy blowout naman dyan Kaloy at mapera ka ngayon." Patawang panunukso ni Gil

"Oo ba basta banana-q lang at coke lang ha, wala ng iba."

"Naku, wag mong sabihing kuripot ka rin tulad ng kuya ko Kaloy ha!"

"Hehehe, hindi naman, binibigay ko kasi sa nanay ko yong iba eh, pero sige, iblow-out kita, saan mo ba gusto?"

"Hahahaha, kumagat naman, binibiro lang kita no."

"Anong year ka na pala Gil?"

"3rd year pa lang ako at sa kalabang school nyo ako nag-aaral."

"Ah ganun ba, bakit hindi sa school naming nag-aaral?"

"Ayaw ni kuya na doon ako mag-aaral dahil baka bigyan ko lang daw siya ng sakit ng ulo."

"Hahaha, bakit naman, basagulero ka ba?"

"Hindi no, ang bait ko nga eh.."

Pagkatapos ng reception umalis na kami ni Gil at nagpaalam na rin ako sa kanya para makauwi na.

"Gil thanks ha?"

"Thanks saan?"

"Sa pagsama mo sa akin ngayon, siguro mapapanis laway ko sa reception kung wala ka doon."

"Wala yon, gusto ko lang marinig kang kumanta, ang galing mo kasi Kaloy."

"Salamat ha."

"Tara, hatid na kita sa inyo."

"Naku wag na Gil, ang daming jeep dyan at isa pa - magkaiba ang dereksyon natin, nakakahiya."

"Hey may lakad ka pa ba Kaloy? Kung wala, tambay ka muna sa bahay namin."

"Gil, kailangan ko kasing mag-review, lapit na kasi exams namin, next time na lang."

"Sige na nga, hatid na lang kita sa inyo."

Habang tumatakbo ang kotse, napag-alaman ko na may syota na pala si Gil at kaklase nya ito. Pinakita pa sa akin ang picture at maganda nga at mestisahin. Sa tantya ko, nasa 5'8" ang tangkad ni Gil at lean ang pangangatawan at mahilig siyang maglaro ng basketball.

"Gil, dyan na lang ako sa may kanto bababa."

"Ha? bakit, hatid na kita sa inyo mismo Kaloy."

"Wag na Gil, sa kanto na lang, malapit lang naman lakarin eh."

"Bakit ba Kaloy, may tinatago ka ba?" Medyo naiinis na sinabi ni Gil habang itinigil ang kotse.

"Wala naman, basta dyan lang ako sa kanto, please lang Gil."

"Well, okay sige at kung ano man ang sekreto mo, sana wag kang mahiyang sabihin sa akin, di ba magkaibigan naman tayo?"

"Oo friends nga tayo pero...."

"Anong pero ha Kaloy?"

Hindi ako makasagot. Paano ko ba sasabihin sa kanya na bukod sa aking ina ay may iba pang tao sa bahay - ang pangalawang lalake ng aking ina; at nakatira lang kami sa isang maliit na paupahang bahay.

"Dyahe kasi Gil eh, maliit lang ang tinitirhan naming bahay at...."

"At kinahihiya mo, ganun ba?"

"Ah eh, hindi naman sa ganun kaya lang…"

"Kaya lang ano Kaloy?

Hindi ko na sinagot si Gil at binuksan ko na ang pinto ng kotse at lumabas at nagpaalam sa kanya. Di na ako lumingon at nagmamadali akong pumasok sa nirirentahan naming dampa.

Itutuloy...

24 comments:

  1. nakakabitin naman

    ReplyDelete
  2. naku naman nabasa ko na ito sa ibang blog. wala na bang iba.

    ReplyDelete
  3. dahhhhhhhhh! disappointed!

    ReplyDelete
  4. sN bLog mu yaN nbAsA?

    ReplyDelete
  5. help nman sa nagcocoment san p bang blog meong gantng mga kwento?iun lang txt nio sakin+639487808215

    ReplyDelete
  6. sana matuloy kaagad mukhang mganda story mo

    ReplyDelete
  7. nice kaso nakakabitin pa. hehehe.. anyways, guys respect naman ntin na i share nya ung story kahit na nabasa nyo na sa ibang blog. gusto nya lang cguro na i share sa marami. hehehe. Peace

    ReplyDelete
  8. isara na tong site na to wla ng mga bagong kwento la na kwenta

    ReplyDelete
  9. taqal naman nq part 2 .. haiiisssttt ...

    ReplyDelete
  10. Aabangan ko yung susunod na part ha :)

    ReplyDelete
  11. kaylan ba ang susunod na part nito?nakakinip

    ReplyDelete
  12. kakabitin.. maganda pa nmn..

    ReplyDelete
  13. anong blog share nmn sakin

    ReplyDelete
  14. wow"" ang weird ng story hindi na lang i share lahat "" choppy ba mag type

    ReplyDelete
  15. medyo kinikilig ako he he!

    ReplyDelete
  16. its a nice story......kahit walang libog but it really happen in real life..........and its true that even real man experience mutual feeling to same sex....it happened also to me thats why i can relate to this...........

    ReplyDelete
  17. teenagers do really experience this......they really pass this type of stage.........hindi masagwa ang story very natural and consistent...maybe this really happened to the writer....heheehhe

    ReplyDelete
  18. ^^, isa rin ito sa mga paborito kong m2m stories.. ang ganda..!
    http://www.facebook.com/msob.fanpage madami din m2m stories jan.. magaganda din..

    ReplyDelete
  19. ..parang pang pocket book lng ha,,

    ReplyDelete
  20. wow...ang ganda ng story na kakakilig

    ReplyDelete
  21. this is the greatest story i've ever read....

    ReplyDelete
  22. Actually no matter if someone doesn't be aware of afterward its up to other visitors that they will help, so here it takes place.

    Feel free to visit my weblog; ハミルトン 時計

    ReplyDelete