Thursday, May 5, 2011
Joel's story
Bata palang ako nakagisnan kona ang inyong programa sa TV. Isa po ako sa mga libo libong taga hanga ng inyong programa at nangangarap na sana maipalabas din ang kwento ng buhay ko. Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyong programa para maibahagi din ang kwento ng buhay ko sa inyong mga taga subaybay at maisakatuparan ang aking pangarap na maipalabas din sa TV. At umaasa po ako na inyong mabigyang pansin ang liham kong ito.
Ako po si Joel G. Golimlim, tubong Bicol mula sa probensya ng Sorsogon bayan ng Bulan. Isinilang po ako noong June 4, 1984. Pangatlo sa anim na magkakapatid. pinalad na makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo at nag karoon din ng magandang trabaho.
Simula pag kabata wala akong ibang pinangarap sa buhay kundi ang maging isang artista balang araw at hanggang ngayon hindi parin eto nawawala sa isipan ko at kahit nawawalan nadin ng pag asa ay nagbabakasakali padin.
Lumaki ako na may takot sa Dios at mulat ang aking isipan sa pagiging maka Dios.Bata palang ako ito na ang aking nakagisnan. masasabi kong maganda naman ang pag papalaki sa amin ng aming mga magulang. Mahirap lang kami pero nung kami'y mga bata pa ay meron din kaming tagapag ala sa amin na parang yaya nadin namin at katulong sa bahay kahit hindi mansyon ang aming bahay at kahit mahirap ngalang. natatandaan ko bago ako mag tapos ng elementary ay naging maganda ang takbo ng aming pamilya at hindi pa gaano kalala ang problima. naging maranya din ang aming buhay noong kami mga bata pa. nasusunod kong anu gusto nabibili ang gustong kainin at magagandang damit. at tuwing sasapit ang linggo sabay sabay kami kong mag simba sa ibat-ibang bayan ng Sorsogon. sa tuwing kami ay papasok sa school sabay sabay at kami ay hinahatid ng aking ina at sa oras ng reses xa ay nakaabang na sa may tindahan para maibigay sa amin ang aming baon. masarap na mamon at juice. maganda ang pag aaruga sa amin ng aking ina. kahit hindi man kami mayaman naranasan namin ang maging marangya sa buhay ng mga panahong iyon. Sakitin din ako ng bata pa ako at ang tanging makakapag pagaling lamang sa akin ay ang mag simba sa simbahan. nung ako ay magtapos ng grade 1 naalala ko may lagnat ako nun kahit umaakyat sa stage para tangapin ang aking honor bilang 5th honor ay nilalagnat ako. pakatapos ng araw na yun lumabas kami ng maynila ni mama kaming dalawa lng para mag simba dahil sa may sakit ako at ang gusto ko lng noon ay ang mag simba duon. pagdating namin ng maynila pag baba palang sa Bus ay masigla na ang katawan ko. Tumira kami sa Novaliches dun ko nakilala ang aking naging nanay at tatay din na kaibigan ni mama at kasama sa kanilang samahan sa pagiging devoto din sa ating panginoon. hanggang sa nag desisyon na din na duna ko mag patuloy ng pag aaral. sa maynila ako nag grade 2. sa loob ng isang taon ko din sa maynila ay naging maganda rin ang takbo ng buhay ko pero may mga panahon din na nagkakasakit padin ako. Dun ko rin naransan na merong service papuntang school. gigising ng maaga dahil darating ang service school bago mag 5am. ung baon ko kanin at masarap na ulam at ang nag aasikaso ay ung naging nanay nanayan ko dahil bumalik din ang aking ina sa Bicol at ako lng mag isa sa maynila. matapos ang aking isang taon na pag aaral sa maynila umuwi ako ng Bicol at dun ko tinapos ang aking pag aaral sa elementary. habang ako ay lumalaki at nag kakaisip dito kona nakikita ang reality ng aming buhay na minsan may mga pag kakaroon din ng gulo sa aking mga magulang. bata palang ako nasanay nadin akong tumulong sa mga gawaing bahay. minsan nagtatampo din ako dahil ung aming panganay na kuya ko ay hindi nakakatulong sa mga gawaing bahay na dapat sya ang gumagawa. Yong kuya at ate ko napag aral sila sa isang private school sa high school. pilit na tinataguyod sila ng aming magulang lalo na ng aking ina. dumarating din sa point na si kuya ay walang gana sa pag aaral at si mama ay pilit na pinapapasok si kuya. hanggang sa makatapos si kuya sa High school. at pakalipas lang ng ilang buwan pumunta ng maynila para mag trabaho hindi narin sya nag aral ng college. may pag tatampo ako sa kanya dahila sa kabila ng lahat pag papaaral sa kanya hindi nya tinupad ang kanyang sinabi na tutulungan nya kami. hindi rin kami nag karoong ng magandang bonding bilang magkakapatid. Unti unti narin nag kakaroon ng hindi magandang takbo ng aming pamilya. palagi nalang nag aaway si mama at papa dahil ang issue ay hindi binibigay ni papa ang kanyang kinikita dahil pilit na kinukuha sa kanya ng kanyang mga lkapatid at resebo nalang ang napupunta kay mama. dahil ang aking ama dina ay walang sariling desisyon sa buhay. kong anu ang sabihin ng kanyang mga kapatid yun ang kanyang sinusunod at ginagawa. kaya madalas din nag babangayan ang aking magulang. mabait c papa un nga lang sa sobrang bait walang sariling disisyon sa buhay. wala rin syang bisyo sa buhay. nakatapos ako ng elementary at pinalad din na maging schoolar ni mayor pag sapit ko ng high school. dahil sa ginawa kong kabutihan sa aming bayan ang pagiging isang modelo ng kabataan sa aming bayan para sa kanyang programang pangkalinisan. nangyari yun nung grade 5 ako pauwi sa aming tahanan. at habang naglalakad ako pauwi sa amin ay may nakita akong isang plastic ng junkfood na naka kalat sa kalye at iyon ay pinulot ko at nilagay sa basurahan, lingid sa aking kaalaman ay may isang guro na nakakita sa akin ng ginawa ko un at pinag alam nya kay mayor. at sinabihan din ako ng guro ko na sa darating na graduation ng mga grade 6 ay mag attend daw ako. at dun binigay sa akin ang award bilang modelo ng kabataan at inalok ako na sya na ang sasagot sa pag aaral ko. kya wlang masyadong ginastos sa akin ang aking mga magulang kundi pambaon lng sa araw araw. masarap sa pakiramdam ko nung mga panahon un dahil naging usap usapan ako sa aming bayan dahil sa award na binigay ni mayor at masaya din maipagmalaki ang aking plaque na natangap at maipakita sa mga tao. Naging sakristan din ako sa aming simbahan at dito rin nag simula ang mga kapilyuhan na ginagawa namin ng aking mga kasamahan sa simbahan dahil napasabay nadin sa mga kapilyuhan ng iba. na kami ay nangungupit sa collection ng simbahan, kinakain ung mga offer na pagkain na walang pahintulot at kami ay masaya dun sa aming mga kalokohan. nasilaw ako sa pera dahil nabibili ko kong anu ang gusto ko na hindi narin naibibigay ng magulang ko. kaya nung mag high school ako sa ede kong 13 years old ay namasukan na ako bilang waiter sa isang restaurant sa amin at sa ilang beer house dun sa amin. simula ng akoy matutung kumita natutu akong maging independent sa aking sarili na kong anu ang gusto ko ay makukuha kona at hindi na aasa sa magulang. dun din nag simula na sa murang edad ko ay nakatikim na ako ng alak at sigarilyo at ang maging isang parang bogaw na nakikipag deal sa mga customer kong gusto nila ng mga babae na pwede nilang ma etable. sa pamamagitan nun kumikita ako dahil sa kanilang mga tep na binibigay at ung kunting porsyento sa mga ladies dringks na iniinum ng mga hostes. ok lng din naman sa magulang ko na akoy ay nagtratrabaho na sa ganoong trabaho pero hindi naman nila alam if anu ung mga ginagawa ko dun. at nung mga panahon din un palagi nalng magulo sa aming bahay minsan nakakahiya na sa mga kapit bahay dahil pag nag aaway ang magulang ko si mama ay laging sumisigay sa aming bahay dahil sa galit kay papa at madalas din na kong may mga kalat sa bahay na itatapon ni mama sa labas ng bahay kong anu man ang kanyang madampot. lumalaki ako at nag kakaisip na un ang aking nakikita sa kanila. at minsan pa sa pag sapit ng gabi sa pag tulog lingid sa kaalaman nila na gising ako at naririnig ang kanilang pag tatalo dahil si papa ay gustong makipag talik kay mama at si mama naman ay ayaw na. kaya may oras din na nagigising kami at tinatakpan ko ang aking mga tainga para hindi marinig ang kanilang pag tatalo. madalas na ganun ang nangyayari sa aming pamilya. at habang tumatagal nag hahanap din ako ng pag aaruga at pag mamahal na hindi kona makita sa pamilya ko. May oras din na ako ay nag tatampo sa aking ina dahil ung ate ko nlng ang madalas maibili ng bagong damit at ako nalang palagi ang nauutusan sa aming bahay para mag linis at mag igib ng tubig na dapat ang kuya at ate ko ang gumagawa. kaya lumaki rin ako na un ang nakagawian ko sa buhay ko marunong ako pag dating sa mga gawaing bahay at malinis.
High school palang ako marami na ang nag kakagusto sa akin un nga lang madalas mga bakla pa. hindi naman ako ka gwapohan pero ewan ko ba at marami ang nahuhumaling sa akin. ako naman dahil sa mabait din sila ay hinahayaan ko nalang na mag kagusto sila saakin. habang ako ay namamasukan dun sa bar may mga pag kakataon din na linalapitan ako ng mga bakla at gustong gusto nila ako maging boyfriend nila. minsan naman gusto nila akong matikman at bibigyan ng pera. dahil nga sa mabait din sila at maasikaso at mapag mahal ay pumapayag ako sa gusto nila dahil nag hahanap di ako ng pag mamahal ng isang tao na hindi ko na makita sa pamilya ko. mga isang taon din seguro nang ako ay mamasukan sa ganung trabaho kasabay ng aking pag aaral sa high school. pasok sa umaga trabaho sa gabi. papasok ako ng 5pm uuwi ako ng 3am. hanggang dumating sa point na may isang bakla na nag kagusto sa akin pumupunta din sya sa bahay namin. wala naman akong narinig mula sa mga magulang ko na akoy pinag sabihan tungkol sa mga bakla na nahuhumaling sa akin kumbaga ok lng din sa kanila. Pangalan nya ay Christian matalino din at may trabho din sa isang fast foodchain yata. ako ay nasa 15years old palang nun at sya ay 22 years old yata. naging kami ni Christian labas pasok din sya sa bahay namin at naging live in partner ko din sya nung mga panahong iyon. sa pag sapit ng hapon sinusundo nya ako sa bahay para dun matulog sa bahay nila at sa umaga umuuwi ako sa amin. mapag alaga sya sa akin kaya naging ok lng din sa sakin ang ganung sitwasyon. kakain kami sa gabi at pag gising ko handa na ang almusal at pang paligo ko. sya ang nag turo sa akin ng lahat kong panu humalik at kong panu makipag sex sa isang tao hanggang sa natutu din ako. bago ako umuwi sa amin binibigyan nya ako ng pera kahit hindi ako humihingi at tinatangap ko naman. naging ganun ang takbo ng aking buhay at pinangakuan nya ako na sya ang mag papaaral sa akin sa college at binigyan nya pa ako ng CAP pension plan na hindi naman pala totoo. nag hiwalay din kami dahil nakita ko na may iba na syang kasama nung gabing hnd sya nag punta sa amin nawala din sya na parang bula biglang nag laho sa lugar namin at napunta sa manila. sa una nag papadala pa sya ng sulat sa akin pero hindi ko nadin xa nakita. malapit nakong mag tapos ng high school nang lubusang mag hiwalay ang mga magulang ko. napakasakit para sa akin ang ganung sitwasyon para akong binag sakan ng langit at lupa at hiyang hiya sa mga tao dahil alam nila na may ibang kinakasama na ang aking ina. ng mga panahon yun nasa manila ang kuya ko at ate ko. umalis si mama sa bahay at sumama dunsa kanyang bagong asawa. naiwan sa akin ang mga kapatid ko. ang hirap dahila ako ang sumalo ng responsinbilidad ng isang ina sa knyang mga anak ako ang nag asikso sa aking mga kapatid lalo na sa dalawa kong maliit na kapatid. pumupunta ako ki mama paminsan minsan dahil ung ibang mga gamit namin dinadala ko sa kanya hanggang sa ung dalawa kong maliit na kapatid ay kinuha na din ni mama. ung sumunod sa akon na kapatid ko galit na galit din sa amin dahil sumama daw kami kay mama. umalis na din kasi ako sa poder ng aking ama bago ako tuluyang mag tapos ng high school. Hiyang hiya ako sa nangyari sa amin lalo na sa aming mga kapit bahay dahil ang sama ng tingin nila sa aking ina. kong anu anu ang sinasabi na masakit para sa kalooban ko. Nag tapos ako ng High school na sa poder na ako ng aking ina pero may time naman na pumupunta padin ako kay papa. After ng gratduation ko sa high school wala akong idea na makakapag aral pako sa kolehiyo. at habang ako ay nasa poder ng aking ina may nakilala din ako na nag patibok ng aking puso na naging kasintahan ko sya si Marry Joy. mag kaaway ang mga magulang namin dahil nadin sa inggit ng mga magulang nya sa magulang ko. pero hindi un naging hadlang para sa amin open sya sa magulang ko kaya hindi sa kadamay sa kong anu man alitan meron sila. naging masaya kami kahit pilit na tinatago namin sa magulang nya na kami ay nag kakasama minsan o madalas. sa tuwing kami ay maliligo mag kasama kami sa ilog at masayang nag lalambingan at kahit sa pag lalaba ng aming mga damit sabay din kaming magkita sa ilog at maglalaba din sya. bago kopa sya nakilala malapit na sya sa aking ina dahil sya din ang katulong ni mama sa pag lalaba ng aming mga damit at binabayaran nlang sya. at nung tumira na ako sa poder ng aking ina ay pina kilala sya sa akin at dun kami nag kakakilala. masaya kaming dalawa na naging mag kasintahan kmi. ako rin sa kanya ang nag turo kong panu ang humalik at kong pano ang pag responce sa pakikpag halikan. may mga oras din na magkasama kami sa ilog dahil un ang tagpuan namin lalo na kong maliligo gusto namin mag kasabay kami palagi. hindi rin maiwasan na kami ay makalimot sa aming mga limitasyon pero hindi pa naman humantong na bumigay na tlga kami sa isat isa. pero napag usapan na din namin un na gusto nanaming ituloy pero eto ay naudlot. nag sumpaan kami na kong sinu man ang unang makapunta ng manila ay walang lokohan at limutan na mag kikita kami dun at dun namin ipag papatuloy ang aming pag mamahalan. na una syang umalis sa akin. gusto koman pigilan pero wala ako magagawa. wla pa akong sapat na kakayahan para pigilan sya. kaya namasukan ako bilang isang tendero sa isang grocery store. pansamantalang humiwalay ako sa poder ng aking ina at iniwan ko din ang aking dalawang kapatid kay mama. sa ilang buwan na pag kakahiwalay namin ni Marry Joy may kumunikasyon panaman kami tinatawagan ko sya telepono. pero makalipas ang ilang buwan nawalan na ako ng kumunikasyon sa kanya. masakit para sa akin un at patuloy na ako ay umaasa sa kanyang pag babalik. at isang araw nabalitaan ko nlng may asawa na sya. ang sakit para sa akin dahil pakatapos ng aming mga pinag samahan ay biglang mawawala ng iglap. dumating sa point na isinumpa ko sa aking sarili na hinding hindi nako mapapa iyak ng mga babae sila naman ang aking paiiyakin. matagal din akong namasukan bilang isang tendero. hindi ako sanay sa mga ibang trabaho lalo na sa mabibigat pero kinaya ko. may mga oras na nanliliit ako sa sarili ko dahil nahihiya ako sa pag katao ko at nahihiya ako na baka may makakilala sa akin na taga sa amin at makita na ako pala ay namamasukan bilang isang tendero at boy sa tindahan. minsan napapa pikit nalang ako habang pasan ko ang isang sakong bigas at nag lalakad sa kalye o nagiging kargador ng mga pinamili ng customer. at nung mga panahong un hindi ako sanay mag pasan ng mabibigat pero natutu ako. awang awa din ako sa dalawa kong kapatid na nag aaral dahil may time na wala na silang pamasahe pauwi galing sa school at pinupuntahan ako sa tindahan para humingi ng pamasahe akoy napapaluha at awang awa sa kanilang dalawa. Habang akoy namamasukan na inganyo akong pumasok ng vocational course pasalamat ako at pinayagan ako ng amo ko na sa araw ng Linggo ako ay papasok. nag enrol ako ng Compter Science na course sa vocational. pinag isipan ko din kong panu ko eto matatapos at kong sino ang mag papaaral sa akin. pero dahil sa may trabaho ako ung kakarampot na sahod ko sa tindahan yun ang aking bina budget sa pag aaral. hindi ako humingi ng tulong sa aking mga magulang. gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. at dumating din sa punto na ako ay nakapag tapos ng aking curso at may honor pa bilang 2nd honor. masayang masaya ako at naging proud din sa akin ang aking amo. pasalamat din ako sa kanila dahil pumayag sila. sa lahat ng kanyang trabahador naging mabuti din ang pakikitungo nila sa akin kaya pati anak nilang special child ako na ang nagiging tutor at nag hahatid sa school nya. may naging kasintahan din ako na katrabaho ko doon katuwaan lang dahil may gusto sa akin. ako naman sinakyan ko sya at ilang beses na din na may nang yayari sa amin lalo na pag wala ang aming mga amo. at kami lng ang naiiwan sa bahay at ngababantay sa mga bata. yaya sya ng anak ng amo namin. nang maka graduate ako ng vocational course hindi na rin nag tagal pina uwi ako ng papa ko para pag aralin daw ako. at nag paalam nadin ako sa amo ko para umuwi na saamin. Umuwi ako sa papa ko at bingyan ng pag kakataon ng pag aaralin nya ako. malakas pa naman ang kininkita ni papa sa trbaho nya bilang gumagawa ng mga ilaw pandagat. at hindi rin nag tagal kinuha ko din ung mga kapatid ko sa poder ni mama. ako ang nag aasikaso sa kanila simula sa paliligo at pag hatid sa school at pag enrol ako na ang gumagawa na parang ina nadin nila. masaya ako sa ginagawa ko sa pag aaruga sa dalawa kong maliit na kapatid. Nag enrol ako sa isang private school at kumuha ako ng course na Commerce Major in Management. Hindi rin biro para sa akin ang apat na taon na pag aaral sa college dahil marami ang nangyari sa buhay ko. nag aaral ako, nag aasikaso sa mga kapatid ko. pag may meeting sila sa school ako ang napunta minsan nag kakasabay may pasok ako sa school may meeting sila para akong super man na pupunta saglit sa meeting at alis din saglit dahil may pasok nako ang hirap pero masaya ako dahil kahit hindi paman ako tunay na magulang nararamdaman kona kong anu ang kaligayahan ng isang magulang na nadarama pag nakikita nilang inaasikaso ang kanilng mga anak. at yun ay naramdaman ko masaya ako kahit wala ang aking ina na dapat sya ang gumagawa. ako na lahat ang umako sa responsibilidad ng isang ina. tagaluto, tagalaba, tagalinis ng bahay, tagapag paligo sa mga kapatid ko, taga pag turo sa mga subject nila, tagahatid sa school, taga hatid ng baon lahat ako na ang gumawa. dumating din sa point na medyo mahina na ang income ni papa pero hindi padin ako nakakapag tapos sa pag aaral. at kahit pang tuition ko ay wala pa. kaya gumawa din ako ng paraan kong panu ko eto malalampasan. hanggang dumatin sa naging callboy nadin yta ako. sumasama sa mga bakla pag niyaya ako at may kapalit. tumatambay sa may patyo ng simbahan sa gabi dahil dun lumalabas ang mga may gusto ng panandaliang aliw. tatambay lang ako at may lalapit ng bakla un pera na un. kong kani kaninu ako nakikipag relasyon pero wala naman talaga sa isip ko na manloko sa kanila. ang akin lng if gusto nila ako at maiintindihan nila ako ok na sakin un. May mga araw din na ung kapatid ko na sumunod sa akin ay lagi din kaming nagbabangayan at nag aaway dahil sa mga bagay na hindi nya naiintindihan. hindi na kasi sya nakapag aral ng high school dahil tamad din sa pag aaral. at ung binibigay ni papa na pang tuition ko kailangan itago ko na hindi nya malaman na ako ay binigyan ni papa dahil gulo nanaman un. madalas din kami mag suntukan dahil sa mga baluktot na pag iisip nya sa mga wlang kabuluhan at kong minsan nakakapag salita ng hindi maganda sa aking ina kaya nakakagalit din. Nung nasa college nako muli kaming nag kita ni Marry Joy. tinangap ko ulit sya kahit alam kong may anak na sya at hiwalay na sa asawa dahil sa hindi naman nya daw gusto ang nangyari. nung magkita kami nanibago ako dahil hndi narin ganun dati ung nararamdaman ko para sa kanya maybe tinangap ko sya para gantihan. pero hindi nadin kami nag tagal hanngang sa wala ng kumunikasyon sa isat isa until now.
May isang taong may lihim na pag tingin pala sa akin na hindi ko alam. siya ay si Nestor pero mas kilala sa tawag na "TITA". isa syang gay na nurse sa public hospital desenteng tao din. nasa 22 years old ako sya naman ay 44 years old na. isang araw napadaan ako sa harap ng bahay nila at andun sya nag pahiwatig sya at sinabi sa akin na baka pwede kaming magkita sa may pier mga 5pm daw. sabi ko naman sure ok lang. dun nag simula ang aming samahan hanggang dumating sa pag kakataon na kami ay nag sama sa iisang bubong at dun mismo sa bahay namin. naging mag asawa kami sa madaling salita. ok naman sa pamilya ko at alam din ng buong baragay sa amin ang aming relasyon at kahit sa school ko ay alam din nila. Ginagawa ko ito dahil nag hahanap din ako ng nagmamahal at may mag aasikaso kong anu ang aking mga pangangailangan at sila lng ang nakakapagbigay. Oo pumapatol ako sa mga bakla pero hindi ako ang tipo ng tao ng pinag kakaperahan lang sila hindi ko rin kaya na sabihing sege bili mo ko nun, bili moko nito, kong akoy bibigyan lang un ang tinatangap ko pero if wala hindi ako nag hahanap. kong mabait sila sa akin at mahal ako nila sinusuklian ko un ng kabutihan din sa kanila. may mga pag kakataon din na wala akong pang tuition at sya ang nagbibigay sa akin pero pag dating ng pera na galing sa ama ko binabayaran ko sya kagad. nag sama kami sa iisang bubong na mga ilang buwan din at nag karoon kami ng hindi pag kakaunawaan na natuloy sa pag hihiwalay namin. dahil ilang beses ko din nakikita na may kinakasama syang ibang lalaki maliban sa akin at dahil nadin sa mga pag seselos. pero nung mag hiwalay kami pinakita ko din sa kanya na kaya kong mabuhay na wala sya at kaya kong makatapos ng pag aaral. kaya ang aking ginawa habang ako ay nag aaral may pinagkakakitaan ako sa amin. sa school nag eeload ako at sa bahay naman kinumpitinsya ko ang bumbay sa amin. nag papaorder ako ng mga gamit sa bahay o sa kusina at pinapahulugan ko ito. nag simula sa mga baso, kutsara, pinggan, dura box at nag tinda rin ako ng mga sinakong uling at nag papa utang din ako ng pera 20%. dahil nadin sa commerce ang course ko inaply ko sa totong buhay ang aking pinag aaralan kong panu ang pag manage ng isang negusyo. praktikal ako sa buhay kaya hindi rin ako nahirapan hanggang sa nag clik ang business ko at kinapos ako sa capital kaya natutu din akong mag aplly ng loan sa isang micro finance sa amin at nakapag 2nd cycle ako ng pag loan. bilib din sa akin ung mga tao sa amin dahil sa determinasyon ko na kalalaki kong tao eh pinapasok ang ganyang trabho ang akin lng basta mapag kakakitaan at malinis na trabaho ay ok na. akala nga ng iba marami akong pera kaya sa tuwing may kailangan sila sa akin ng hihiram. pero pinipili ko din ang mga pauutangin ko basta alam ko din na hindi ako malulugi. sa hapon pasok ako sa school until 8:30 ng gabi pero pag sapit ng 5 ng hapon umuuwi ako sa amin para mag libot at maningil ng kanilang mga hulog. naging maganda ang takbo na aking business at eto ay nakita ni tita at nababalitaan nya na ok naman ako at hindi sya malaking kawalan sa akin. Sumapit ang Intramurals sa school namin sumali ako sa Search for MR. & Mrs. Intrams 2006. may mga tao na walang tiwala sa akin at nag tataka kong bakit daw sumali pa ako kahit nung kami pa ni tita ayaw nya akong payagan na sumali dahil nakakhiya daw lalo na kong matalo ako. pero pinatunayan ko sa kanila na kaya kong mag tagumpay sa bagay na gusto ko at alam kong masaya ako pag ginawa ko. hindi ako nabigo nanalo ako bilang 1st runner up at nakatangap ng mga award gaya ng Best in Production No.and Outfit at Best in uniform. masayang masaya ako nun ng gabing iyon kabado man pero kinaya ko at gusto ko talaga ipakita at patunayan sa kanila na kaya ko. umuwi ako ng gabing iyon na dala ang mga trope na nakuha ko. hindi alam ni papa ang sinalihan ko at wla din sila paki alam dun dahil hindi naman si papa mahilig kong anu ung mga activity sa school na ginagawa ng mga karaniwang studyante. pag uwi ko sa bahay na gabing un hindi pako nakain at pag bukas ko ng plato wlang ulam na nakahain o natira para sa akin. malungkot ang gabing iyon na dapat sna nag nagdidiwang ako sa pag kapanalo ko wla akong nagawa kundi pumasok sa kwarto ko at umiyak at matulog nalang lilipas di ang gutom ko. kinabukasan balitang balita sa amin ang pag kapanalo ko sa school at natuwa din si tita sa akin kong kayat nakipag balikan sya sa akin. tinangap ko sya ulit pero sinabi ko na hindi na kami mag sasama saiisang bahay uwian nalng sya. minahal ko namn sya kahit papano dahil mabait sya at mapag alaga din. at nasabi ko din sa sarili ko niloloko mo ako sasakyan nalang kita. madalas nya ako sinusundo sa gabi sa school pag katapos ng klase at sa hapon pag kagaling nya sa hospital dumadaan sya sa school para dalhan ako ng meryenda at nakikita naman ang aking mga classmate at kaibigan kaya minsan nag kakantyawan sa amin pero ok lng din un sa kanila at tanggap nila if anu man ang ginagawa ko sa buhay ko. Lingid din sa kaalaman ni tita may girlfriend ako at hindi ko din pinapaalam sa kanya pag nag kikita kami. sya si Myra bata pa sya dahil 16 years old palang sya. naging kami at ilang beses na din na may nang yari sa amin dahil sa kapusukan nadin. malapit na ang final exam namin pero wala padin akong pang tuition ang hirap ng ganung sitwasyon hindi ko mapursigi ang magulang ko dahil alam kong wala sya maibibigay buti nlang anjan si tita sya muna nag bayad sa akin. si papa kasi wla syang pag pupursegi tlga na patapusin ako. ako lng din tlga nag nag pursege na makatapos ako dahil ayukong dumating ang araw na wla akong trabaho. isipin nyo 20 baon ko sa loob ng isang linggo. pag may project sa school worth of 150.00 ang ibibigay sa akin 30pesos lng at kung anu anu pa ang sinsasbi ng mga barkada ng papa ko kesyo papurma purma lng daw ako hindi namn nag aaral at puro lng layaw sa buhay. kya si papa sunud sunuran din wlang sariling pag iisip at desesyon sa buhay. kaya minsan napag sabihan ko sya ng Pinag sisisihan ko kong bakit sya pa ang naging ama ko pero tumalikod ako at umiyak ng sinbi ko un sa kanya dahil alam kong mali un dala lang ng galit ko sa kanya kya nasabi ko un.malapit na graduation namin sabi ko sa sarili ko gusto ko sa araw na iyon kasama ko si mama at papa na syang mag aakyat sa akin sa stage na mag kasama silang dalawa. wla akong bagong damit na susuutin at sapatos. buti nalang anjan si tita sya ung bumili ng damit ko at pantalon pinag tyagaan ko nalang ang lumang sapatos ko. nakasama ko nga ang magulang ko ng gabing iyon sa aking pag tatapos ng pag aaral. pag katpos ng garduation kaya kanya ng uwian. umuwi na si mama sa kanyang bahay ay umwi nadin kami sa bahay. pag uwi namin walang handa walang makain wala pa kaming kuryente dahil naputulan. ang sakit para sa akin ingit na ingit ako sa mga clasmate ko na nagdiriwang ng gabing iyon. during graduation ko hindi sumama si tita para panoorin manlang ako dahil kasama nanaman pala nya ang lalaki nya. ok nadin un sa akin dahil andun naman si ang girlfriend ko si Myra. kasama ko din sya ng umuwi kami sa bahay. dahil akala ko din dun sya matutulog sa amin kasama ko. mga alas dose na din ng gabing iyong ng tumawag ang tito ni Myra at pinapauwi na sya. hinatid ko sya pauwi sa kanila. at sa hindi inaasahang pag kakataon nag krus ang mga landas namin. mag kaakbay kami ni Myra habang nag lalakad at si tita naman dala ng motor nya kasama nya ang lalaki nya. nabigla ako at napahinto ng mga sandaling iyon kahit sya nagulat din makalipas ang ilang minuto parang deadma nalang namin sa isat isa at yun na ang huling pag sasama namin ni tita at ng Girlfriend ko.
Tapos na ang unang bahagi ng buhay ko kailangan ko nang harapin ang pangalawang bahagi ng buhay ko. sa unang bahagi marami akong pinag daaanan. may mga bahagi ng kwento ng buhay ko na hindi kona naisalaysay ng lahat pero sa madaling kwento marami akong pinag daanan at hirap na dinanas. walang makain, natutulog ng baluktot dahil tumtulo ang bubong ng bahay namin na katabi ko matulog ang planggana na sumasalo sa tulo ng ulan sa loob ng aming bahay. na sa pag sapit ng mga kalamidad walang trabaho si papa at kailangan pang mag benta ng mga sirang materyales para ipakilo at makabili ng bigas at makakain kami. mag tyaga kumain ng kamoteng kahoy at pag hati hatian ang ilang pirasong tuyo na naka hain sa hapag kainan at kailngan pag kasyahin ang sinaing na bigas sa amin. mahirap kaya wala akong ibang pinangarap kundi mabigyan sila ng magandang buhay at masuportahan ngaun ang kanilang mga pangangailangan. matanda nadin papa ko at mahina na ang trabho nya dahil sa bilis ng pag babago ng mga teknolohiya. Dahil nadin sa pangangailangan nag simula na akong mag hanap ng trabaho ilang companya din ang inaplayan ko. naranasan kodin ang descrimination sa pag apply. kulang din ako sa hiegth kaya hindi natanggap sa isang drug store na inaaplayan ko. buti nalang hindi rin nag tagal makalipas ang dalawang buwan na bakasyon natangap din ako sa inaplayan ko. At ito ang isa sa mga himala na nangyari sa buhay ko dahil bago ako natangap at pumunta ng office ay dumaan muna ako ng simbahan at nag dasal sa Ina ng laging saklolo at hiningi ko etong regalo para sa kaarawan ko knabukasan. june 3 ng araw na pinatawag ako sa inaplayan ko at june 4 kinabukasan birht day ko. at hindi ako nabigo pinag kaloob nya sa akin. sa loob ng two weeks ko na pag volunter sa work nilipat na kami sa aming mga branches na assignment kong saan dun kami naka asign. Mahirap para sa akin dahil iiwan ko mga kapatid ko. wlang mag aasikaso sa kanila dahil sanay na sila ng anjan ako. alam nila na ako ang nag aasikaso sa lahat ginusto ko din na masanay sila na ako ang nag aasikaso dahil ayukong dumanas sila ng hirap kaya ako lahat ang gumagawa. Pero kailangan kong umalis at iwan sila pansamantala. matag na din kasing panahon na hindi na bumalik ang kuya ko at ate ko dahil may mga asawa na sila kaya ako talaga nag nag aruga sa kanila simula pag kabata hanggang sa mga binatilyo na sila ngayun.at hindi rin maiwasan na kahit papanu may hinanakit ako sa kuya ko dahil iniwan nya sakin ang lahat na dapat sya ang nag aasikaso saamin bilang nakakatandang kapatid. simula 1997-2009 dalawang beses lang kami nag kita. kaya wala talgang naging magandang bonding na nangyari sa amin. at hindi ko naranasan na may kapatid na nag aasikaso din sa akin na nakakatanda sa akin. June, 2008 ng mag simula nako sa pinapasukan kong companya ang TAYTAY SA KAUSWAGAN, INC. isang micro finance company bilang isang Program Assistant at may contract na 9 months for probitionary. maganda rin ang aking performance sa pinapasukan ko kahit mahirap na trabaho tyinagaan ko. after ng 9 months evaluation if ma endcontract, recontract or regular employee. pero bago ko matapos ang 9 months isang napaka laking pag subok ang dumating sa pamilya namin. madaling araw palang tumawag na ang ante ko at sinasabing patay na ang kuya ko. natulala ako ng ilang saglit na alimpungatan dahil sa tawag na natangap ko. hindi ko alam if anu mararamdaman ko maiiyak ba o hindi. nalaman din ng manager ko ang nangyari at ng mga ka office work ko at nakisimpatya naman sila sa akin dun lang ako napaiyak. ilang taon na hindi kami nagkita kita. at ang pinakamasaklap pa ang huling pag kikita namin ay nasa kabaong na sya. gusto ng magulang ko na maiuwi ang kanyang bangkay sa amin pero dahil nadin sa kawalan ng pera wala din kami nagawa dahil kahit ako hindi ko pa kaya ang ganung halaga ng pambayad sa pag uwi lng ng bangkay ng kuya ko. nag paalam ako sa manager ko at umuwi ako sa amin. pag dating ko sa amin kasama ko ate ko at papa ko lumuwas kami ng maynila para masilayan ang bangkay ng kapatid ko. nauna na si mama dun kaya andun na sya nang dumating kami. isang araw nalng bago ang kanyang libing at un ang huling pag kikita namin. umiyak ng umiyak din ako dahil nakakalungkot si mama sigaw ng sigaw habang hinahatid sa huling hantungan si kuya. kahit din ngaun ate Charo habang sinasalaysay ko eto sa iyo ako ay napapaiyak din dahil muli kong naaalala. matapos ang libing hindi narin ako nag tagal nauna an akong umuwi at nag byahe pabalik sa work ko habang tinatawid ko ang dagat sakay ng barko papuntang samar sa trabaho ko hindi ko maiwasan ang hindi maiyak sa sobrang lungkot at awa sa kapatid ko at sa tatlo kong kapatid na hindi nakapunta sa libing ng kuya ko. hindi manlang nila nasilayan sa huling pag kakataon ang kanilng kuya awang awa ako sa kanila. gipit din kami sa pamasahe kaya hindi nadin sila nakasama. May kunting halaga din akong nakuha sa companya na pinapasukan ko at un ay ginamit ko din para sa ibang bagay sa aming bahay at bigyan ko din sila ng pang araw araw na gastos. at after ng contarct ko for 9 months na promote ako for regular employee nag tuloy tuloy din ang swerte na dumating sa buhay ko dala nadin nag pag titiis ko at determinasyon sa buhay. umuwi ako sa amin paminsan minsan at nag dadala ng kunting pasalubong para sa kanila at nag iiwan ng kanilang pangastos. masaya ako na makita ko silang masaya at naibibgay ko if anu amn gusto nila. ung ngalang ang malungkot lng nahinto sa pag aaral ang dalawa kong kapatid sahil sa wala ng nag aasikaso sa kanila at nag momotivate sa araw araw hindi gaya ng dati na anjan ako palgi sa tabi nila. Nag stay ako sa Samar for almost 1 year and 9 Months after that isang promotion nanaman ang natangap ko bilang isang Branch/Unit Manager at ang area na assignment ko ay dito na Lipa City. malapit nadin akong mag 1 year dito sa lipa this comming april,2011. Sa ngaun Ate Charo malaki nadin ang nag bago sa buhay ko kahit papanu napapaayos ko na ang aming bahay. pero hindi parin sapat ang lahat. kahit sa sarili ko hindi ko pa masasabi na nag tagumpay na ako. may mga oras padin na nag kakaroon ako ng self steem sa sarili ko. Kahit manager na ako ngaun hndi parin sapat para mabigyan ko ng magandang buhay ang aking pamilya kaya until now hindi pa ako nag aasawa dahil hindi kopa kayang iwan sa sila. may Girlfriend ako ngaun at gusto nya nadin nag magpakasal kami pero ayuko pa dahil hindi kopa kya at isa sa mga usapan namin kailngan mga ka babay muna kami bago ako mag papakasal sa kanya.
Isa sa matagal ko ng pangarap ay ang maging isang Artista balang araw. ito talaga ang gustong gusto ko sa buhay ko pero nawawalan nadin ako ng pag asa. bata palang ako mahilig nako manood ng mga palabas sa TV at humanga sa mga magagaling na artista industriya. wala akong talent pag dating sa mga sport pero alam ko na may talent ako sa pag acting at minsan ko na din etong nagamit during college sa mga palabas ng ginagawa namin. Ayuko mang umasa talaga na matutupad pa eto pero if mabibigyan ako ng pag kakataon tatangapin ko. Sana po mabigyan nyo ng pansin ang liham kong ito at mabigyan ng buhay na maisadula sa inyong programa. at kong ito ma po ay mapili ninyo kong akoy bibigyan nyo po ng pag kakataon gusto kong ako ang gumanap sa kwento ng buhay ko. kalakip po nito ang mga larawan ng aking pamilya at larawan ko.
Maraming salamat! at Mabuhay po kayong lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
boring
ReplyDeletejoel very true to life talaga story mo..medyo magulo pero andun ang gus2 mong iparating n mensahe...so and2 ka pala sa lipa..taga rito rin ako...sana makita mo ang pinapangarap mo sa buhay...wish all the luck!!!
ReplyDeleteboing
ReplyDeleteang boring :|
ReplyDeleteBoring ng kwento mo!!! Walang kwenta!!!!
ReplyDeleteKapangit naman! kala ko maganda, d naman pala!!!
ReplyDeletemay pa ate charo ka pang nalalaman di yan uubra, sasakit lang ulo nila kapag ginawan nila ng episode yan puro edit ang gagawin nila dyan :P
ReplyDeletekorek!
ReplyDeleteWalang kwenta puro drama!!! Sumulat ka sa maalaala mo kaya o kaya wish ko lang ha mali sinulatan mo...
ReplyDeletexenxa na sa mga hnd nagustuhan ang story ko...hnd namn kasi eto para dto sna sinbukan kolng din mag try at ito ung naipadala ko....tru story din kz eto ng kwento ng buhay ko....pero slmat sa mga comment nyo
ReplyDeleteSa mga nagsasabi ng boring diyan, kayo ang mga hindi marunong umintindi ng tunay na nararamdaman ng tao. Kung nagkamali man si Joel at dito niya ito naisulat, hindi niyo na kailangan magsungit. Kung di niyo man nagustuhan yung kwento, wag na kayong mag-aksaya ng oras para magsabi ng mga di-kaaya-aya na comments. Kung alam niyo lang siguro ang napagdaanan ni Joel. Kung kayo kaya nakaranas ng mga hirap niya, hindi niyo masasabing boring yan. Dahil lahat, pinaghirapan niya. Kayo siguro ang mga hindi pinalaki ng magulang ng tama, dahil sa mga ugali niyong yan. Tsaka baka hindi pa kayo matatalino kaya ang galing niyo magsalita. Tsaka baka pangit lang din kayo. Haha! Wag kang mag-alala Joel, mas may maipagmamalaki ka kesa sa mga taong yan na walang ginawa kundi manghusga. Wish you all the best Joel. God is always watching you, remember that. May sarili siyang plano para sayo :)
ReplyDeletekaya nga comment eh.. para ma post ang opinion namin about the story. it's either good or bad.
ReplyDeleteoo nga. respect other's comment.. it is the consequence of putting your story here.. YOU should be ready to accept criticisms. buti pa c joel marunong i-accept ung mga comment sa kanya kesa ung isang tao dyan na akala mo sobrang galing.
ReplyDeleteyun ang tama don kung ayaw nyong tumanggap ng comment wag kayong mag pose hindi naman ikaw c joel ehh bakit ikaw ang apektado baka naman ikaw ang deriktor ng life story ni joel...
ReplyDeletehi joel im ericka gay sana mganda n ang mging buhay m? this coming other day!nkktouch ung story mo ang ganda!khit bitin jajaja!ung mga panget n ngcomment sau mga mukhang unggoy un o kaya wlang mukha!mga panget keu!i love u joel jajajaj!
ReplyDeletehahahahah... kahit anong sabihin nyo!
ReplyDeleteBORING taLaga ung story!
joel, you know what the story is good but there is inconsistent sa ilang parte ng buhay mo like you said your business is doing good and then all of a sadden biglang nawala what happend even though u came up to a microfinace to sustain you business nasaaan na un diba bigla mo binatay ung part na un tapos biglang ngfocus ka sa studies mo diba sabi mo self supporting ka ang daming lapses
ReplyDeletealam mo kc mga bakla ang nagbabasa d2 kaya dapat ung talagang malilibugan cla at lalabasan pag binasa ang Qwnto mo oky...
ReplyDeleteto thE authoR/joeL,
ReplyDeleteas whAt aNoNymous sAid ( e1 Q LnG kNg cNu jaN),wronG sitE thAt u shArEd or postEd uR LifE expEriencE.u shud kNow whAt is the bEst 4 d reAder.As wHat u sAid, u took up a micRo fiNaNcE, aLam mu kNg aNu aN bgAy nA magu2stuhaN nG tAo.kEa dAtz d rizoN Y most oF d peopLe dEr commeNted somE criticizm..
for my owN, i Like uR stoRy but iF u wNt to shAred diz stoRy to eVerybody.wHy dNt u tRy to send diz to MMK.waLa mAsAmA kNg mAgta tRy kA.,dbA! ngAuN kpA susuko! eH u alreAdy expErieNcE d chaLLengE aNd tRiaL.
good Luck to u!!
hay... ang haba, ang boring naman...
ReplyDeleteno comment!!!
ReplyDeleteMaraming salamat parin sa mga nag coment sa kwento ng buhay ko. yes we have a freedom of speech kya malaya ang bawat isa sa atin mag coment.. Actually nung makita ko ang site na eto na paisip lng ako kya sinubukan ko lng din na e send eto d2 sa site na eto. napadala ko nadin eto sa MMK eto lng din ung ginamit ko d2..sa mga nag comment at nag tangol sa akin maraming salamat...at para dun sa mga nag critic maraming salamat pa din sa inyo. marahil hnd nyo rin nagustuhan ang kwento dahil wlang sex story na nakalagay dto at hndi naka pukaw ng libog ng katawang lupa nyo.
ReplyDeletehttp://www.facebook.com/profile.php?id=100001189207497
ReplyDeleteang boring!! sna sinamarrize nia boring basahin eh.
ReplyDeleteoo nga!!! ang haba!!!! parang umiikot yung kwento mo!!! wlang ka thrill2!!! boring!!!
ReplyDeletezzzzzzzzz...............
ReplyDeleteNaku naman hindi nyo xa naintindihan diba gusto nyang maging artista? naku drama nang buhay nya.
ReplyDeleteu know wat joel..naiiyak ako habang binabasa ko ang story mo,,,im so proud of you...wah kang mawalan ng pag asa darating din yan....god is god all the time.... pray lang.....well gudluck sa maging future mo...
ReplyDeletei felt it and i liked it. im not sure if im liking u as a person though, but i like the story.
ReplyDelete"Your story may not have such a happy beginning but that doesn't make you who you are it is the rest of your story who you choose to be.." Soothsayer, Kung Fu Panda 2
Sa mga nagcomment ng masama, i can't believe n may mga taong ganyan, oo ur free to leave ur comments but at least try not to be harsh. how immature. lalo n ung nagcomment ng "alam mo kc mga bakla ang nagbabasa d2 kaya dapat ung talagang malilibugan cla at lalabasan pag binasa ang Qwnto mo oky..". how thick cud u get?
nwei joel. it's a sad story but nice to read, ive learned a lot. hope u continue moving forward like u always did. (^_^)
joel, boring ang kwento pero nakaka inspired. lots of trial pero di ka nag give-up, i love it.
ReplyDeletewala kang ginawang masama sa kanila. iba kasi expect nila sa site na to.
joel, stay as you are, don't mind them
ok lang not much boring,ang mali lang to long to read e don lang ang punta sa main point-kahirapan.Best of luck na lang.
ReplyDeletealam nyo guys...nakakatuwa tong site na tohh...alam nyo kong bakit???mas maganda yata kong pangit ung story kasi super haba ng comments dinaig pa ang box office hits..heheh may nagaaway pa ohhh diba naging star agad c JOEL kasi pinagaawayan sya hehehe...nice try guys -;0
ReplyDeletekahabaHABA ng kadramahan mo JOEl wlang kwenta!.
ReplyDeleteSalamat sa lahat ng mga naka appreciate ng kwento ko at salamat nadin sa mga nag critic at hnd nila nagustuhan
ReplyDeleteOkay naman po ang kwento mo. Sana po i-treat mo ang comment ko as developmental feedback na pwede mong magamit to improve ang iyong pagsusulat.
ReplyDelete1. Parang hindi na-review o na-check ang pagkakasula.
Kapag ganito kahaba na ang kwento, magandang balikan at basahin muna bago ilathala dahil siguradong maraming salita or sentence na mali ang pagkakasulat. Medyo masakit sa ulo na basahin ang kwento mo kasi ang daming maling spelling at grammar kahit Filipino language ang ginamit mo. Pero sigurado ako na hindi mo sila sinasadya. Sadyang nagkakamali lang paminsan minsan kaya kailangan ng review.
2. Walang isang direction ang pagkakalahad ng kwento
Medyo hindi masyadong maintidihan kung uurong ba o susulong ang kwento.
Halimbawa, nabangit mo na scholar ka ng mayor nung highschool tapos bigla kang bumalik sa topic tungkol sa pagiging model mo ng kabataan.
Ayos lang naman iyon, ang tawag dun ay pagbabalik tanaw. Kaso lang marami ka pa palang ikwekwento tungkol sa pagiging model mo. Kaya biglang nalihis at di maintindihan kung ano ang gusto mong i-highlight sa part na iyon: ang pagiging scholar ba o ang pagiging model.
3. Nawala ang paksa ng kwento
Totoong naikwento mo ang buhay mo, pero nawala ang dahilan kung bakit mo ito isinulat. Nawala ang naging drive at ang intention. Pagdating sa dulo ng kwento, hindi ko naiwasang itanong “okay, then what?” Walang highlight… walang punch line ika nga at higit sa lahat ang layo ng conclusion sa karamihan ng nabanggit sa kwento.
Over-all, it is good that you are able to write you life story. But your story will have more meaning if you arranged them the way the topics support each other to highlight the message you want to impart to your readers. Just imagine a book with shuffled chapters. Things written on the book won’t make sense easily until you rearranged them correctly.
Also, please don’t forget that another reason we write is to entertain. Therefore, writers should always make sure that their story will not be a “monotone”. A story should have ups and downs just like your life. Up to keep the readers in high mood and down to highlight the “Up” moment.
Salamat and I hope to read more stories from you.
sang ayon aq sa iyo joel...wag mo silang pansinin...inggit lng cla sayo....go...go...lng sa pangarap mo...blang araw...si2kat ka na pla.....dont lose hope..kc may kasabihan..na habang may buhay,may pag asa...pray kita ky GOD...i want u as a friend...f uwant me just tx me...09198214330..tnx..antay aq huh..??nka relate aq tlaga sa story mo...
ReplyDeletebuhay talaga sala sa init sala sa lamig, minsan ganun talaga ok lang naman kuento ni joel, tama din ung comment nung isa meron inconsisnetncy sa kuento, tama din ung comment ng iba na boring dahil ang hinahanap nila sa kuento ung sexcapades wala di nila nabasa. minsan kasi ganun ang tao gumagawa ng isang bagay na di naaayon sa lugar pag ganun siguro mas ok na kung wala ka naman maganda sasabihin mabuti pa manahimik na lang. after all di naman siguro big deal ung oras na inubos nyo sa pagbasa ng blog na ito. pag may kausap tayo na iba wag natin i expect na lahat ng sasabihin natin magugustuhan nila or lahat din ng madidinig natin gusto natin. respeto lang ba para every happy or walang away. tama na arguements para sa akin ang best achievment ng isang tao ung mayron kang peace of mind at magkakaron ka lang nun pag natutunan mo ung acceptance and thankfullness, be thankful kung ano meron ka and accept kung ano mga bagay na wala ka and work hard for it. di lahat ng bagay na gusto natin at ayaw natin eh puede makuha or tanggihan. advice lang sa mga blogger kung puede alamin nyo kung sino sino ang mga reader ng blogsite give more emphasis sa parte ng kuento na mag eenjoy sila ikaw ang direktor ng blog mo ung can edit your story the way you like but be considerate to your readers also. un lang po at pasensya na pati ako nakisali na masyado pa late kasi december na ngayon. ngayon ko lang kasi nabasa itong blog na eto and final comment ok lang di sya entertaining di rin ganun kalakas ang impact na puedeng pang maala ala mo kaya pero ung sincerity at honesty ng blogger kahit pano ramdam naman ..... ty po sa uulitin
ReplyDeleteto joel....salamat at na i share mo sa amin ang yung buhay.....sa mga ayaw sa story ni joel to lang masasabi ko... (tae kau) bat nyo pa binasa kong ayaw nyo pala....
ReplyDeleteisa lang masasabi ko.. napaiyak mo ko joel.. akala ko sa sarili ko nahihirapan na ako.. uin pala may isa pang katulad mo na mas malala ang nararanasan sa buhay.. nakaka inspired uing story mo.. eventhough d d2 dapat na publish ang story mo.. 2 thumbs up for you
ReplyDeleteano ba to?
ReplyDeletewalang kwenta natuto kapang sumulat ayuf ka walang kwenta
ReplyDeletekung maka ayuf knmn wagas...pero ok lng un wla skin un...kz kung ayuf aq eh anu kpa? Animal ka..........san kb nag aral? sa kalibugan university? un ba ang tinuro ng mga magulang mo sau? kung mag m,umura ka mag pakita ka wag ka magtago. ok?
ReplyDeleteOpinion ko lng joel dito din kmi nka tira sa bulan sorsogon naawa ako sa kwento mo kaso may ibang part na naiinis para kasing ang gulo ng katon kna ng negusyo tpos now nwala and then parang hindi nmn sa family mo para sayo ng negusyo ka para mpakita sa kay tita na kaya mo. Basta ang gulo d ko ma explain
ReplyDelete